"Simple lang..."
sagot ko habang binibitin ang curiosity ng mga nakakarinig.
Pero sa totoo lang hindi ko alam kung anong condition. Ano nga ba ang pwede kong idemand?
Saglit akong natigilan... hindi pa ko handa na magbigay ng condition, and yet ang lakas ng loob ko sabihin sa harap ni Enzo.
"Ano nga?" nakahalukipkip ding sabi ni Enzo. Mukhang nabasa nito sa mukha ko na nag iisip palang ako ng kundisyon.
Then, I finally come up with something.
"Be my tutor for this week."
Lalo namang kumunot ang noo ni Enzo sa sinabi ko.
Actually, that's a stupid condition... why would I need a tutor, ehh mataas ng ang mga grades ko? Hayyyssttt!
"Why would you need a tutor?"
"Kasi..."
Naghagilap ako ng sasabihin, na-mental block na ko sa tingin niya. Hindi ako makapag isip ng tama.
"Ahh... Kuya Enzo, Ate Gabby... lalabas muna kami. Pupuntahan kasi namin yung nagpapa-apply dito sa group."
Buti nagsalita yung isa. Parang ang dating tuloy ay na-cut niya lang yung sasabihin ko.
Tinanguan lang sila ni Enzo. Sinamantala ko yung distraction para mag isip ng isasagot.
"Oh... ano?"
sabi ni Enzo ng kami nalang dalawa ang magkausap. Sa totoo lang mas lalo akong kinabahan na kaming dalawa nalang, not that I'm afraid na baka may gawin si Enzo.
Takot lang ako na baka may gawin siya at magustuhan ko.
Sh*t, what the heck am I thinking?
"Huy!" sabay yugyog nito sa balikat ko.
ARRRGGHH lalo akong, kinilig? Ay sh*t mali, hindi pala. Kinabahan pala.
Hinarap ko siya.
"Ano kasi... diba this week I'll be busy dahil doon sa program, at hindi lang naman iyon ang priorities ko. I have lots of practise to attend to. Kaya baka mapabayaan ko yung pag-aaral."
Medyo humupa na yung kaba ko.
Saglit lang itong natigilan at nagsalita na rin.
"Dati mo pang ginagawa yan, pero bakit ngayon ka lang nagpa-tutor?"
Bakit nga ba?
Think Gabby... think!
"Kasi... bumababa yung grades ko ngaun eh, tapos dagdagan mo pa ng practise dito sa inyo."
"Gabby, laging mataas ang grades mo. At hindi mo kailangan ng tutor."
"I-dedemand ko ba kung hindi ko kailangan?"
Saglit ay napaisip ito.
Ok kaya yung dahilan ko? Mukhang hindi ata papayag to.
Seriously, bakit ko ba to ginagawa?
UGH? Di ko rin ata alam.
Gusto ko bang mapalapit sa kanya kaya ko to ginagawa? WTH?
Gabby hindi na ikaw to.
"Sige... but like what you've said ngayong linggo lang na to."
Yey! I win.
A smile draw from my face. Yung feeling lang na biglang nakahinga ka na ng maluwag. HAyy!
Tumango ako sa kanya.
"Ok then... let's practise."
sabay talikod nito sa akin at naglakad papunta sa malaking speaker. Inayos nito iyon at nag-play ng isang dance song.
BINABASA MO ANG
My Typical Imperfect You < Finished >
Teen FictionEverybody thinks you're perfect. But there's this someone who don't. He doesn't hate neither do like you. Naging interesado ka sa kanya dahil siya lang ang tanging may ayaw sa'yo? Pero what will you do kung sa gitna ng pangungulit mo sa kanya to lik...