Chapter 18 : Ibang klase !

399 5 0
                                    

<ENZO'S POV>

Papalabas na sana ako ng library ng mapansin ko si Gabriella na nasa labas na. Lalapitan ko na sana siya para kunsensyahin, kaso biglang may sumingit.

Epal sa mundo hindi pa mabura...

Ohhh... At mukhang tuwang tuwa naman yung isang bata na kausap yung epal.

Nakalimutan atang nasa library at maraming nag-aaral ng maayos?

Mga immature, hindi man lang magbigay ng konsiderasyon sa mga taong nasa library. Tsss...

Kung makatawa naman sila pareho... kung hindi ko pa alam, nagpapa-cute lang naman yang si Ryan kay Gabriella.

On second thought, baka si Gabriella naman ang nagpapacute.

Hay... katacute lang naman yon.

Puro porma lang ang alam.

Habang tinitignan ko silang naguusap... hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin, paano kung ligawan ni Ryan si Gabriella, malamang makakaranas ng basted si Ryan, first in history.

Alam ko naman kung bakit ayaw na ni Gabriella na pumasok sa isang relasyon. Ikaw ba naman ang mahuli mo ang bestfriend na boyfriend mo pa, na niloloko ka.

Imagine... seeing his boyfriend that time in bed with some other girl?

Kung tutuusin mas malala ang nangyaring sakit sa kanya kaysa sa naranasan kong sakit nung maghiwalay kami ni Suzette.

Atleast, I know... Suzette never cheated on me.

Paano kong nalaman ang tungkol kay Gabriella? Syempre, gusto ko rin siya.

Dati ko pa siyang napapansin... kaso nga dahil, tulad niya, ayoko muna mapunta sa ibang intindihin ang utak ko.

Hindi sa mahal ko pa si Suzette, pero hindi palang siguro ako handa na makipagrelasyon. Nadala na ko sa isa, na harap harapan sa aking sinabing hindi naman niya ako minahal.

Napansin kong papunta na sa direksyon ko si Gabriella....

Sinungitan ko pag-approach niya palang.

My Typical Imperfect You &lt; Finished &gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon