Chapter 48: Am I sure?

316 9 0
                                    

A/N:

I know, matagal na rin po akong hindi nakapagUD. sorry sorry sorry! :'( Something really went wrong with me. Nadamay pati tong story na to. Sana magustuhan niyo kahit paano :D

Actually pangatlong revised version na to. Kung ano ano na naitatype ko. Pero ayan, meron na kong clear plans para sa ending. Pabago bago kasi ako ng plano dito. SOW SOWRY!

Dedicated po kay HaveYouSeenThisGirL 

^_____________________________^ 

-------------------------------------------------------------------------------------

[Enzo's POV]

"OY mga pinsan, buti naman nakarating kayo. Kala ko iinjanin niyo pa ko eh." sabi ko habang papalapit sa mga bagong dating kong pinsan na todo ngiti pa sa akin.

"Naman. Pasalamat ka at wala akong trabaho kundi baka hindi nanaman ako nakapunta dito." sabi ni Rence na kunwari pang busy. Alam ko rin naman na pupunta siya kahit na busy pa siya. Kung malakas ako kay Paul, mas malakas ako sa kanya. Takot niya lang sa akin.

Nandito kami ngayon sa bar kung saan nagcecelebrate kami. Celebrate ng ano? Well, dahil natapos na ang nakaclose naming 4 na malalaking deal sa iba't ibang tao. With the help of my brother Leo, sa wakas natapos na rin namin ang lahat. Kung mayroon man iba pang kailangan, yun ay mga madadali nalang.

Kaya kahit umalis ako ngayon, walang epekto aside from the fact na minsan kailangan nila ng advice mula sa akin. Pero Leo can handle it without me.

Talking about Leo...

"Nasan yung kapatid mo?" biglang tingin sa katabi kong nagtatanong ang nagawa ko. Actually hindi ko rin alam.

"Hindi ko alam, sabi niya pupunta siya." sagot ko kay Paul.

"Ay nako, pinayagan na nga kayo ng papa niyo na maglakwatsa ngayon eh. Siguro nasa opisina nanaman yon." napapailing si Paul na natatawa habang nagsasalin ng konting alak sa baso.

"Baka naman late lang. Masiyado ka talaga, Paul." sagot ni Andrei pagkatapos lunukin ang in-straight niyang alak.

"Oo nga naman." sagot ni...

"Hoy Leo, nandito ka na pala. Late ka." bati ni Rence sa bagong dating na hula ko kagagaling nga lang talaga sa opisina. Nakaoffice suit pa, although naloose na yung necktie niya.

"Para namang hindi kayo makakapag-start ng wala ako." hindi pa nakakaupo ay nagsalin na agad ng alak sa isang walang laman na baso si Leo. Umupo siya sa tabi ko.

"Saan ka ba galing kasi?" tanong ko. Nambabae to malamang kundi galing sa trabaho. Ngayon na alam naming wala naman dito sa Pilipinas si Coleen at kasama ni Gabby sa ibang bansa, sino naman ang makakadate niya?

"TRABAHO!" sabay sabay na sagot nilang apat. At sabay sabay ding mga nagsipagtawanan yung tatlo. Parang mga batang nagkakantyawan at nagiinisan lang.

My Typical Imperfect You < Finished >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon