Nagkaklase na ng dumating ...ako ? sa room namin.. Teka, si Enzo? Nilinga ko kung asaan na siya, nakaupo na rin ako, after ilang seconds naman pumasok na rin ito sa pinto.
Ewan ko ba kung bakit pero ang bagal nakahabol ni Enzo. Siguro dahil ayaw niyang makita kami ng mga kaklase namin na sabay na papasok.
=3=
Ang sama niya kung ganun!
Nabigla naman ako sa tingin ng prof namin. Na-guilty ako kasi wala sa kanya yung atensyon ko kanina.
Nasa bandang gitna pa naman ako, kaya kitang kita ako.
Cool lang pero pawisan na naglakad si Enzo papunta sa upuan niya. Nakatingin lang si Prof sa kanya. Parang worried pero may halong tuwa.
Si prof. Romualdo nga pala ito. Anak niya nga pala si Enzo. Ay bwisit, nakalimutan ko, kung hindi ko pa siya nakitang may halong pagkaworried sa pagdating ni Enzo.
"Mr. Vallejo, why are you late?"
I feel awkward nang tanungin niya si Enzo. Parang sa akin din kasi ito nakatingin, since nasa gawing likuran ko lang ito.
Hindi naman na tumayo si Enzo at nagsalita nalang.
"Na-late po ng gising, sir."
AHH???
Tumango lang si Prof. saka ako binalingan ng pansin.
"You, Ms. Santillan?"
"Ti--nanghali r-rrin ko po ng gising sir."
Wala akong maisip na dahilan. Bakit ba kasi na-blangko ako.
Medyo lumuwag naman ang paghinga ko nang makita kong tumango ito. Parang okay lang sa kanya.
Ilang saglit pa ay inumpisahan na rin nito ang klase namin. I felt bored, parang wala akong ganang makinig sa kanya.
Inaantok pa ko at hikab ng hikab tuwing nagsusulat ito sa blackboard. Ginawa ko nalang pampagising yung pagsusulat para hindi makatulog.
*Hikab...
*pangalumbaba...
<TOINKS>
Biglang may nag-landing na papel sa harap ko, may nagbato na kung sino. Tinignan ko naman ang direksyon ng prof namin. Nakatalikod ito at nagsusulat sa board.
Pinulot ko yung papel. Luminga ako sa paligid. Nakita kong nakatingin si Enzo.
Binigyan niya ko nang OH-BAKIT? look.
Ok...
Nagiging hobby na niya yung pinagmumukha akong tanga. Tinignan ko siya ng masama, and give him a IKAW-BA-YUN? look.
Tumango naman ito ng marahan, parang sumuko nalang kasi alam niyang alam kong siya yun.
Pagkakuwan naman ay umayos na ako ng pagkakaupo, binuklat ko yung papel na ibinato niya. Parang highschool lang ba kasi??
..............................
Ang boring >.<
...............................
Napakunot naman ang noo ko sa sulat niya. Nakakapagtaka naman, biglang ang bait niya ata sa akin.
CHIKADORA lang???
Napangiti naman ako ng lihim, my plan is working. He's being close to me now. Wew... assumera lang?
Hindi ko na rin nilingon si Enzo, sapat na sa akin yung parang slightly close na kami. Akala ko pa naman, matatagalan ko siyang makukulit dahil masyadong iwas, nun pala... Hayy...
BINABASA MO ANG
My Typical Imperfect You < Finished >
Teen FictionEverybody thinks you're perfect. But there's this someone who don't. He doesn't hate neither do like you. Naging interesado ka sa kanya dahil siya lang ang tanging may ayaw sa'yo? Pero what will you do kung sa gitna ng pangungulit mo sa kanya to lik...