Chapter 14 : THAT'S BULLSH*T!

426 5 0
                                    

<Gabriella's POV>

"Paul is a charming guy, dont yah think??"

Nilingon ko si Aleli. Kanina pa niya ko kinukwentuhan about how they meet.

At kanina pa rin ako bored sa sinasabi niya.

Ako na ang pinag-drive ni Aleli ng sasakyan niya para raw makapagkwento siya.

Naiiling ko nalang binaling ulit sa daan ang isip ko.

"I think Enzo like you."

Bigla naman akong naubo sa sinabi niyang iyon...

Ano raw??

Masamid samid ko siyang hinarap.

Nakatingin pa siya sa akin na nakataas ang isang kilay... na parang ang OA ko magreact.

"Parang ikaw nga ang gusto ng mokong na yun ehh.. tapos sa akin mo ipinapasa?"

Mailing iling kong sabi sa kanya habang nasa daan na ulit ang atensyon ko.

Paano namang hindi ko masasabi na sa kanya may gusto si Enzo, eh kanina lang pangiti ngiti yung mokong na yun sa kanya habang naglalaro.

Saka hindi malabong magkagusto yung mga iyon kay Aleli kasi naman para itong dyosang bumaba mula sa langit

Sophisticated na sporty? Saan ka nakakita non diba?

One of a kind nga sabi nila.

"DUH! Ang manhid mo talaga pagdating sa ganyan. Hindi kasi lahat kamukha ni Raffy noh! "

Nainis naman ako dahil sa binggit niyang pangalan.

"Stop saying some sh*t words Aleli."

galit kong sabi sa kanya.

Pero kilala ko si Aleli. Kahit na nagagalit ako, cool lang siya. Mas lalo niya pa tuloy akong naiinis kapag itinutuloy niya ang mga ayokong sinasabi niya.

"Gabbs... you know me. I'm just sayin' that para maka move on ka na."

Hindi nalang ako umimik kahit na gusto ko na siyang tapalan ng tape sa bibig.

Bumuntung hininga nalang ko.

I don't wanna argue with such trash things like that.

"Anyway... Paul offered me a job."

Ano raw??

Napakunot ang noo ko...

Ano namang trabaho??

At bakit kay Paul? Sa womanizer na yon pa siya magta-trabaho??

Seriously?

"Ohh... wag ka ng mag-alala."

Nabasa ata nito ang expression sa mukha ko.

"Ano namang trabaho?" sabi ko nang may halong pagkadissapoint sa desisyon na iyon ni Aleli.

"I'll be his assistant."

"Ano???"

Ok... Nag-exaggerate ata ako.

Biglang napangisi naman si Aleli sa expression ko.

"Bakit naman ganyan ang expression mo Gabbs?"

Aba't nagtanong pa.

Pinilit kong maging kalmado, yung hindi magiging eksaherada masyado.

"Masyado mo naman atang pinagkakatiwalaan si Paul."

--sabi ko ng medyo humupa yung pagiging exaggerated ng boses ko.

"Yep... mabait siya Gabbs."

"Mabait oo... Halata naman... pero that doesn't mean na mapagkakatiwalaan siya."

My Typical Imperfect You &lt; Finished &gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon