Chapter 43: The Past

348 7 5
                                    

A/N:

In this chappie, fastforward na. Uhhm. Details will be said briefly. Just pay attention to details that you think are important :D. Anyway, wala naman akong ilalagay na makakapagpagulo. Basta years past already ang bet ng mga susunod na chappie. Don't worry kasi flashback are in. Enjoy ! ^^

---------------------------------------------------------------

After 3 years...

 <Paul's POV>

"Corned beef, chicken legs, ham, eggs, diaper, napkin. WAAAHH?? NAPKIN? With wings pa ah. TSSS." halos ibato ko na yung listahan ng pinapabili ng mahal kong asawa. AY long time partner pala. TSS. Kung hindi ko lang siya mahal eh.

"Oy, kuha ka ngang napkin, with wings ah." utos ko kay Enzo na tulala nanaman. Hindi lang ako nito pinansin na parang walang narinig. Palinga linga nanaman ito, paano marami nanamang tao.

"H'wag ka nang umasang makikita mo si Gabby dito. Dalawang taon na nakakalipas, move on dude." I tapped his shoulders, tinignan niya lang ako. Makahulugan at malamlam na tingin na kinakaawaan ko.

Halos tatlong taon na ang nakakalipas ng umalis si Gabriella ng walang sabi sabi. Maski yung asawa ko hindi alam kung ano dahilan ni Gabriella. Hindi na nga lang talaga ito nagtatampo at kilala raw niya ang kaibigan.

"She'll come back, Paul. I know she would." sa sinabi niyang iyon, gusto ko sana siyang batukan may dala lang talaga akong basket kaya hindi ko magawa.

"Alam mo, pinsan kita, at ayokong nakikita kang ganyan. Itinigil mo nga yung pag inom inom, madalas ka naman ding nakatulala. It won't do you good." nag umpisa na kong maglakad lakad at sumunod na rin naman si Enzo.

"Kailangan ko siyang mahanap. Baka may dahilan siya, hindi niya ko iiwan kung wala lang." pangangatwiran pa nito. SUmasakit tuloy ang ulo ko pag naririnig siyang ganito.

"Okay, sabihin na nating may dahilan siya. Eh bakit hindi siya magpaalam ng maayos? Anong problemang meron siya, para biglang lumipad sa ibang bansa at ni isa sa atin ditong naiwan walang alam kung bakit?" hindi ko na tuloy napigilan ang himutok. Lalo pa't nakikita ko ang pinsan kong ganito dumadagdag lang ang paninikip ng dibdib ko.

Natahimik lang si Enzo. Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang nasobrahan ata yung nasabi ko para maging ganito katahimik si Enzo.

"Paabot nga non." sinamantala kong wala sa sarili si Enzo para abutin yung napkin na nasa gawing kaliwa niya. Marami kasing babae sa grocery, nakakahiya.

"Ayoko. Bat hindi ikaw?" tsk... nasa huwisyo pala. Sayang :D

Wala na kong nagawa kundi kuhanin yung isang dampot ko ng napkin. Wala namang nakakita kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Aleli, nako! Kung hindi lang talaga kita mahal hindi kita ibibili neto!" hindi napigilan ang mapabulong ng mahina habang naghihimutok ng ganon.

"Under ka kasi." natatawang pinipigil ni Enzo saka napatingin sa akin. Inirapan ko lang siya at naglakad paalis. Hindi lang talaga makanti tong pinsan ko na to at alam kong gaganti rin ehh.

"Bakit ba kasi hindi pa kayo magpakasal?" tanong nito ng abutan ako. Paulit ulit naman kasing tanong ng mga tao yan.

Nakakarindi.

"Kasi nga, ayaw pa ni Aleli. Hangga't hindi namin nakikita si Gabriella, hindi pa raw matutuloy ang kasal na yan. Kita mo nga't lumabas na yung anak namin, hanggang ngayon hindi pa natutuloy." bakas sa boses ko ang pagkakawalang gana sa topic na binuksan ni Enzo.

My Typical Imperfect You &lt; Finished &gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon