Narration:
Maagang umalis ng bahay si Gabriella with Aleli, as her driver for today. Hindi niya alam pero parang sabik siyang makita si Enzo ngayong araw. Yung nararamadam niya ngayon twice nang naramdaman niya nuon sa kanila ni Rafael.
Napatingin siya sa labas ng sasakyan ng tumigil si Aleli sa pagmamaneho.
"Nasa school na ba tayo?" isip niya.
Pero hindi, nagtaka pa siya nang ipark ni Aleli ang sasakyan niya sa tapat ng isang cake shop. "Anong ginagawa namin dito?" -- isip ni Gabby.
Pinatay ni Aleli ang makina ng sasakyan saka siya tinignan. "The best way to win a man's heart is through his stomach. Remember ?" kahit nagtataka pa rin si Gabby, nagawa niyang tumango ng bahagya.
Hindi niya alam pero, parang sa tingin niya, Oa na ito.
Namalayan nalang ni Gabby na nakatayo siya sa harap ng isang malaking istante na salamin at katabi niya si Aleli na naghahanap ng masarap ng cake.
"Eto kaya, Gabby?" nilingon niya ito sa gawing likuran niya. Parang okay naman yung napili ni Aleli kaya tumango nalang siya rito.
"Para saan ba to, Aleli?" tanong ni Gabby habang iniaabot sa cashier ang dalang cake.
"Kakainin syempre, pero kayo lang ni Enzo hah." sabi ni Aleli habang may iniaabot pang isang box ng cake na iba naman ang flavorings.
"Oh, ehh yan, kanino yan?" turo nito sa dala ni Aleli. "Bakit dalawa?"-- isip niya.
"Para sa iba naman yan hanoh. Ano swerte ni Enzo dalawa agad na cake?" biro nito sa kanya. Lalo naman siyang naguluhan kung kaninong "sa iba" niya ibibigay ang cake na iyon.
"Don't tell me kay... No way." -- sa isip ni Gabby.
Sa dapat na pagpigil ni Gabriella kay Aleli ay huli na, naibigay na nito sa cashier ang box. Nagdalawang isip naman na siyang kuhanin ito at gumawa pa ng eksena.
Nang nasa sasakyan na sila saka palang naisaboses ni Gabriella ang kanina pa nais itanong sa kaibigan.
"Kanino mo ibibigay yung isa?" -- G.
"For my life saver." makahulugang tingin at pananalita ang nakita niya sa kaibigan. Hindi niya mawari ang lahat. Ang hinala niya kay Paul, pero ang pagkakasabi ni Aleli ay life saver hindi womanizer, kaya lalo siyang naguluhan.
Nang marating namin ang isang building sa Makati, nagpaalam na si Aleli. Ibig sabihin lang noon ay may trabaho pala si Aleli pero nag-half day lang siya.
"Adik talaga." --nasabi niya sa sarili nang mag-isa nalang siya sa sasakyan.
Nagdirediretsyo narin si Gabriella papunta sa school. Kahit maaga pa ay pinaharurot na rin niya ang sasakyan, although hindi ito ang fastest car na meron siya, nagawa niya paring makarating ng school within15 minutes without delay.
Pagkarating niya ng school si Enzo agad ang tinawagan niya. Alam niyang nasa school na ito ng ganitong oras dahil sa first subject nilang 11am. At ngayon, 12:30 na, meaning tapos na ang first period nila.
"Asan na kaya yun?" hinugot niya ang cellphone sa bulsa at saka idinial ang numero ni Enzo. Pero ring lang ng ring, walang sumasagot.
Napaghinalaan nalang niya na baka kaya hindi ito sumasagot ay baka nasa bag ang cellphone, at hindi marinig.
Hawak pa rin niya ang isang circle shaped na cake na ibibigay niya sana kay Enzo, pero hinanap niya na ito sa garden, hanggang sa bumalik siya sa library, tapos pumunta siya sa dance studio ng org nila, pero wala si Enzo.
BINABASA MO ANG
My Typical Imperfect You < Finished >
Fiksi RemajaEverybody thinks you're perfect. But there's this someone who don't. He doesn't hate neither do like you. Naging interesado ka sa kanya dahil siya lang ang tanging may ayaw sa'yo? Pero what will you do kung sa gitna ng pangungulit mo sa kanya to lik...