"Kung bakit naman kasi, gaganti lang hindi pa gawin?? TSS! " gigil na gigil si Gabby na naglalagay ng ice bag sa mukha ni Enzo.
"Aray ko... malaki pa talaga galit mo sa akin noh??" angal ni Enzo para lang maiba ang topic ni Gabby mula sa nangyari kanina.
Suminghal lang si Gabby sa sinabi ni Enzo. Naiisip niya kung gaano ka unreasonable ang pobreng si Enzo na iwas ng iwas sa pagdiin ni Gabby ng ice bag sa mukha niya.
Napalakas naman ang pwersa ni Gabby dahilan para imigtad si Enzo sa pagkakaupo niya.
Kaharap niya si Gabby na nakatayo sa harap niya habang siya naman ay nakaupo sa block para maabot ni Gabby ang mukha niya.
Hinawakan niya ang kamay ni Gabby. Tinignan niya ito ng diretsyo sa mata, kahit na nakakaramdam siya ng pagkaka awkward ay parang binalewala niya nalang ito. Nangungusap ang mga mata niya habang nakatitig kay Gabby.
Lahat ng hindi niya kayang sabihin ng personal ay ipinapahatid niya rito ng mata sa mata.
Mapanghamon na nakatitig si Gabby sa mga mata ni Enzo, hindi niya maintindihan kung may ikino-convey ba ito or nang aakit.
"Nakaktunaw na, tama na." pilit ginawang biro ni Gabby ang titigan portion nila ni Enzo para hindi ipahalata rito ang nerbyos.
"Alam mo, there's nothing wrong to defend yourself o talagang naduduwag ka lang kanina kasi tatlo sila??" Hindi nalang pinansin ni Enzo ang pagdidiwara sa kanya ni Gabby. Lahat naman ng sinasabi nito ay pareho lang ang ibig sabihin.
"Gabby... galit ka pa rin ba sakin dahil sa..."
"Yung totoo o yung dapat??"
Napakunot naman ang noo ni Enzo. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng kausap. Nangangapa pa rin siya kaya hindi na siya umimik.
"Yung 'Dapat' , dapat hindi na ko galit sa'yo, dahil alam ko namang tama ang sinabi mo noon na wala akong karapatang manghimasok sa buhay mo. And by that, dapat I'm the one to be asking your apologies."
Naglakad naman para maupo sa sofa ng clinic na iyon si Gabby para makapagpahinga. Napagod siyang makipaglaban kanina sa mga bruskong mga lalaking pinagtulungan si Enzo.
Napahanga niya si Enzo sa pinakita niyang katapangan at kagaling sa pakikipaglaban. Lahat ng ginawa ni Gabby kanina ay puro depense, at hindi para makasakit, kundi maipagtanggol ang sarili.
"Ehh, yung 'Totoo'??"-- Enzo.
Ngumisi ng mahina si Gabby.
"You really wanted to know??" pagtitiyak ni Gabby sa tanong ni Enzo. Tumango si Enzo na parang hindi sigurado.
"Oh sige... since tinanung mo." she paused for a minute just to have the metaphor to tell things she really meant.
"Truth is... Oo, Galit na galit na galit ako sa'yo. Hindi ko alam kung bakit ako ganito kadesperadang tulungan ka at kung bakit ako ganito ka-concern sa'yo. Pero isa lang ang alam ko, kahit na sabihan mo pa ko ng ganoong klaseng pananalita, I'll stay with you."
Pinigilan ni Gabby ang pag iyak sa harap ni Enzo, madali niya itong napagtagumpayan at hinaap si Enzo na matamang nakatingin sa kanya.
"Bakit?" tanging nasabi ni Enzo sa mga sinabi niya. Maski siya, hindi niya alam kung paano niya nasabi sa harap ni Enzo ang saloobin niya.
Kinapa niya ang sariling damdamin, hindi niya rin alam kung bakit. Ang tanging tumatak sa isip niya ay dahil Mahal niya ito.
Pero she can't tell it straight, kaya kailangan niyang maghanap ng ipapalit sa word na love.
BINABASA MO ANG
My Typical Imperfect You < Finished >
Teen FictionEverybody thinks you're perfect. But there's this someone who don't. He doesn't hate neither do like you. Naging interesado ka sa kanya dahil siya lang ang tanging may ayaw sa'yo? Pero what will you do kung sa gitna ng pangungulit mo sa kanya to lik...