Chapter 45: Face me!

267 6 1
                                    

"Iwan mo muna ko dito, Coleen." sabi ko sa pinsan ko ng marating na namin ang rooftop ng ospital na to. Gusto ko munang mapag isa.

Nang mga nakaraang araw na to, wala na kong ibang ginawa kundi ang manatili sa kwarto ko. Gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin, since sabi ng doctor matatagalan pa ko bago ulit makauwi sa America.

Tahimik lang na nagpaalam si Coleen. MAski siya nakikisimpatya sa nararamdaman ko. Ramdam ko rin naman na binibigyan niya ko ng freedom mag isip ng mga bagay bagay ng mag isa.

Napatingin ako sa kawalan habang hawak hawak ko yung dextrose. Naglakad ako hangang sa makita ko yung right spot kung saan kita ang mga busyng tao na may mga kanya kanyang pinagkaka abalahan.

Maswerte na ko at inabot ko pa ang ganitong edad. Huh... if it wasn't because of the activities I'am busy of, hindi madedevelop ang stamina ng katawan ko.

But things has it's end. Limitation that I'am afraid to face.

Parang ang storya lang namin ni Enzo. May katapusan. Masaya man nung umpisa, pero may limitasyon pa rin.

Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa nangyari kay Enzo. Hindi niya gagawin yon kung hindi niya ko sinubukang habulin, kung hindi ko siya iniwanan ng walang pasabi.

At ngayon, kahit isang saglit man lang ay hindi ko magawang puntahan siya sa kwarto niya. Masakit isipin na nasa isang building lang kami, pero kahit isang beses lang ay hindi ko siya masilayan.

Napasinghap ako ng makaramdam nanaman ako ng paninikip ng dibdib ko. Kumirot ito bahagya pero sapat na para kayanin ko. Pumikit ako at hinintay mawala ang kirot nito.

Makailang segundo lang din ay nawala na rin ang sakit. Pero nanghihina ako. Napag isip isip kong hwag nang hintayin si Coleen makabalik. Pupunta na ko sa kwarto ko bago pa ko abutan ulit dito.

"Gabriella... " may narinig akong tumawag sa pangalan ko bago pa ko pumasok sa pinto paalis ng rooftop na to.

Hinanap ko kung saan nagmumula iyon. Nang may nakita kong naka wheelchair na nakatalikod sa gawi ko.

Nagtago ako sa gilid ng makumpirma ko kung sino iyon.

"Gabriella, what did I have done to you to deserve this? I even tried to kill myself but it didn't work. Something tells me I have to stay alive. But still, hindi ko alam kung anong dahilan."

Hindi ko na naitago pa sa sarili ko ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Ni hindi ko na napigilan ang agos nito sa matinding lungkot na nararamdaman.

"Sinabi ko naman sa sarili ko dating wag mahuhulog sa'yo pero eto, huh! napala ko? Ikaw tong lumapit, ikaw tong nangulit, tapos ngayon, iiwan mo ko? ANong klaseng dahilan meron ka? Na dapat sinabi mo muna sa akin pero ano? Ni hindi mo ko hinarap. Iniwan mo ko sa isang iglap lang." 

Seeing Enzo in this kind of situation and hearing him like this were killing me inside.

Parang binigyan na rin ako ng pagkakataon na kausapin si Enzo. Pero hindi ko alam kung anong pwersa ang humihila sa akin. Marahil sa tindi ng ginawa ko sa kanya, ni hindi ko na magawang harapin pa siya.

Nahihiya ako. Lalo pa't naririnig ko mga hinanakit niya ngayon. Ano bang sasabihin ko?

Sasabihin ko bang...

"HOY Enzo, stop loving me cause I'll die soon."???

Waahh WHAT A JOKE!

Nakita ko nalang na pilit tumatayo sa wheelchair niya si Enzo. I observed him. Ano bang balak niyang gawin?

My Typical Imperfect You < Finished >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon