Narration:
[A/N: Ayoko muna ng POV]
Nang makauwi si Gabriella sa kanila hanggang sa pagpasok niya sa sarili niyang kwarto, iisang tao lang ang pumupuno ng isipan niya.
Hindi niya magawang tanungin ang sarili kung bakit. Ang dating pagkainis niya kay Enzo, iba na ngayon. Talking to him tonight made her feel different, much more different than before.
Napaupo nalang siya sa sariling kama habang inaalala pa ang napag usapan nila kanina ni Enzo at kung gaano sila kasayang nagkwekwentuhan.
It made her smile...
Nilingon niya pa ang sariling reflection sa salaming nasa gawing kanan niya. Kahit pa ang layo niya sa reflection na iyon, nakikita niya kung gaano ka presko ang imahe niya.
It made her smile wider.
Hindi siya makapaniwalang sa ilang oras nilang nagkasundo ni Enzo, nagustuhan na niya ito. She even made a promise before, not to fall in love again. Dahil nga sa nangyari sa kanila ni Rafael.
*Hikab...
Nang maramdaman niya ang antok nagdesisyon siyang humiga na at matulog. At wala na siyang ibang gustong mapanaginipan kundi ang araw araw na pagiging masaya sa piling ni Enzo.
.......................................................................................
Maagang pumasok si Enzo para sana ayain si Gabriella na pumunta ulit ng library. Naalala niya yung deal nila na kapalit ng pagiging partner niya ito ay magiging tutor siya ni Gabriella for a week.
And they only have two days for that. Memorize na rin naman ni Gabby ang sayaw nila kaya kampante na ito.
He picked up his phone to text Gabby...
Message:
Morning cute :D , another day for a tutorial... tara?
before touching the send button, tumingin siya sa relo niya.
Enzo realized how early it was then... it's 8am.
Naisip niyang baka pagod pa ito sa magkasunod na ensayo nito kagabi with him and her bandmates.
Erase... Erase... Erase...
Message:
Morning cute :D
<Send>
Napangiti naman si Enzo sa sariling mensaheng ipinadala kay Gabriella. Hindi niya alam kung bakit, pero komportable siya pag kasama niya si Gabby.
Bagay na mahirap hanapin sa ibang tao, kaya tuloy nanatili lang siyang tahimik at hindi palakausap sa ibang tao sa paligid.
Takot siyang ma-ignore. He felt ignorance was the worst thing that can make him feel unimportant sa mundong ito.
Sa pagbibigay ni Gabby ng atensyon sa kanya, aminado siya na parang nasanay na siyang laging andyan si Gabriella at lagi siya nitong kukulitin kahit pa wala siya sa mood.
Her smiles were tatooed on his mind. It plays on slow mode just for him over and over. Hindi man niya sigurado kung ano ang ibig sabihin nito, isa lang ang alam niya. He likes her.
"Uhmm... Lorenzo Vallejo, right?"
Nawala ang nasa sa isip niya nang may lalaking kumuha ng atensyon niya at naupo sa harap ng table na kaharap siya.
Kilala niya na kung sino ito... kilala niya kung ano ang pagkatao nito kahit na hindi sila pormal na magkakilala.
At ano ang kailangan nito sa kanya? Hindi naman nga sila pormal na magkakilala.
BINABASA MO ANG
My Typical Imperfect You < Finished >
Подростковая литератураEverybody thinks you're perfect. But there's this someone who don't. He doesn't hate neither do like you. Naging interesado ka sa kanya dahil siya lang ang tanging may ayaw sa'yo? Pero what will you do kung sa gitna ng pangungulit mo sa kanya to lik...