Chapter 46: I Found Her

315 5 4
                                    

"I can't believe, I'm not trustworthy enough para paglihiman mo ng ganito katagal." Aleli's voice broke. PInigilan kong maiyak mismo sa harap niya.

Ayokong kinakaawaan. That's the main reason kung bakit ayokong may makaalam na iba sa sitwasyon ko. I want everyone to resume everything just fine without me.

"I know how you hate this drama. At alam kong ayaw mo ng kinakaawaan ka. Pero things like this, diba dapat hindi mo nililihim sa akin?" nilingon ako ni Aleli then turned to face the window again.

Masaya rin naman akong makita ulit si Aleli. I missed her, so much that I wished to hug her now.

"Sorry." nilingon ako ni Aleli and with that she walks toward me then hug me tight. Hindi ko alam kung ilang minuto iyon pero pakiramdam ko, namiss ko talaga siya ng sobra. Sobra sobra na parang ngayon lahat napawi na sa isang iglap lang na kayakap ko siya.

"H'wag mo nang uulitin iyon. Sasapakin na kita pag ginawa mo pa ulit yon." pagbabanta niya sa akin na may halong biro and then she loosens her hug and faced me.

"So pag namatay ako magpapaalam pa ko sayo? Gusto mo itext pa kita?" biro ko sa kanya pero hindi siya natawa. Bagkus ay nakita ko ang pagkainis niya.

"Wag ka ngang ganyan. Duh! If I know, bukas makalawa magaling ka na. Ikaw pa." then she smiled gorgeously that made me laugh too.

"Bukas makalawa, wala na ko." I said meaningfully.

"Gabby!" naiinis na sabi ni Aleli.

"I mean, aalis na kami ulit ni Mama. We'll be heading back to America to meet my doctors then for a check up everyday." Actually, I was really refering to that pero parang namisunderstood lang ni Aleli yung sinabi ko. Worried talaga siya, pilit lang niyang tinatago.

"AHHH... ikaw naman kasi, kung makapagsalita, hay nga pala may ikwekwento ako sayo."

Ganito lang kami buong maghapon. Hindi na nga namin napansin na maggagabi na pala kung hindi pa sinabi nung nurse na tapos na ang visiting hours.

Sa buong maghapon na iyon, pilit lang iniwasan ni Aleli ang mapagusapan ang tungkol kay Enzo. Siguro alam niyang makakasama sa akin pag nalaman ko ang mga nangyari kay Enzo.

At baka malaman ko pa mula sa kanya na sila Enzo at Suzette na ulit. Hayy, it's killing me inside kahit pa ako na mismo ang lumalayo.

My Typical Imperfect You < Finished >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon