(Anzellah POV)
Haist nakakatamad bumangon. Sakit ng katawan ko. Speaking of Mr.Frog bakit kaya hindi siya nag-dinner kagabi? Galit ba siya sa akin dahil sa sinabi ko kahapon? Sana naman hindi siya galit. Well nagtataka kayo kung bakit palagi ko siyang inaaway at inaayawan sa arranged marriage and kung bakit hindi ko siya pinapansin? Mamaya na muna ako maligo kasi maaga pa naman at ikwento ko muna sa inyo ang dahilan. Ganito kasi yun. Una at hindi pangalawa Kaya ko siya inaaway dahil gusto kong malaman kung papatulan ba niya ako. Pangalawa at hindi pangatlo ay kaya ayaw kung arranged marriage kami ay dahil ayoko ng masaktan pa ulit at paglaruan niya. Pangatlo at hindi pang-apat ay kaya ko siya hindi pinapansin dahil gusto kong pansinin niya ako at lambingin. Charrr assuming lang ang peg. At higit sa lahat ay kaya ayaw kung magtabi kaming matulog ay dahil ayokong May mangyari sa amin ng hindi pa kami kasal dahil baka magsisisi lang ako sa huli kapag iniwan niya ako. Ibibigay ko lang ang pagkababae ko sa lalaking papakasalan ako. Gusto Korin naman na tumira siya dito sa bahay para May kasama ako at nakakaaway palagi. Bored kasi kapag tahimik ka lang. Sarap din sa pakiramdam yung May nang-aasar at nang-aaway sayo. Kunwari lang na ayaw ko sa kanya dahil ayokong malaman niya na May feelings ako sa kanya kasi baka saktan niya ako ulit. Secret lang natin to mga readers ha. Kapag nagsumbong kayo kay Alex ipapatapon ko kayo sa ibang planeta. Hahahaha.
Daldal ako ng daldal eh hindi pa ako nakaligo. Kapag nalate ako isa-isahin ko kayong ipatapon sa ibang planeta mga readers 😂So ayun na nga pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na ako at bumababa na kasi baka malate na ako. Tinignan ko ang wrist watch ko it's already 6:45am.
Pagkababa ko ay nakita kung nag-breakfast na si Alex.
"Good morning manang bati ko kay manang na nagluluto"
"Good morning too Young Lady bati ni manang"
"Bad morning Mr.Frog bati ko kay Alex na kumakain kaya kumunot naman ang noo niya"
Hahaha sarap asarin dahil ang cute niya. Wag bigyan ng malisya readers ha kasi totoo naman na cute siya. 😂
Taika mukhang ang gwapo niya ngayong araw ha? Anu kayang mayroon.
Nagkatitigan naman kami kaya iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya at nagpatuloy lang kumain.Sa loob ng sampung taon na paglamon ko ng pagkain ay sa wakas tapos narin kaya syempre pumunta na kami sa school. And yeah sabay kaming papasok. Everyday na yun ha.
Habang nasa kotse kami ay walang imikan kaya pinatutugtog niya ang music.
(Title: "You And I")
Dati kinanta niya ito sa mall. Favorite song niya ba ito?. Pasulyap-sulyap naman ako sa kanya pero focus lang siya sa pagmamaneho.Sa loob ng sampung taon na paglalakbay ay nakarating narin kami sa school.
Ganun parin ang ginawa ko hindi ako sumabay sa kanya papasok ng gate kasi kanina pa naghihintay sa akin si Almer. Tinignan lang ako ni Alex ng masama ng makita niyang linapitan ako ni Almer. Yung tingin na parang papatay ng tao. Taika nagseselos ba siya? Sana nga nagseselos siya. Ayyeeee. Assuming lang ang peg.Niyaya na ako ni Almer na pumasok ng gate at ganun parin kami holding hands while walking at the hallway kaya yung mga studyante nagtilian at kinikilig. Tsk. Fake relationshit lang ito kaya wag kayong kiligin.
(Aine POV)
Tignan natin kung hindi ka mamamatay sa hiya ngayon bitch.
"Girls bilisan niyo na baka parating na ang bitch Queen sabi ko sa mga friends ko"
"Sigurado ka ba dito sabi ni Jairah habang dinidikit sa wall ang mga pictures ng Bitch"
"Bakit gagawin koba kung hindi ako sigurado sabi ko?"
"Paano kung malaman niya na tayo ang May gawa nito tiyak mas lalong lumala ang gulo sabi ni Farshin"
"Girls don't be scared sabi ko"
Kaya hindi na sila nagsalita pa at nagpatuloy na sila sa ginagawa nila. Ako naman ay nakatayo lang habang sinasabihan ko ang lahat ng mga students na nakakakita sa amin na wag nilang sabihin kay Anzellah na kami ang gumawa nito. Sumasang-ayon naman sila na hindi nila sasabihin.
Nakita ko naman na paparating na ang bitch kasama niya si Almer with holding hands pa talaga. Yung ibang students naman ay nagtilian at halatang kinikilig.
YOU ARE READING
That Nerd is a Mafia Queen
Teen FictionAuthor: Princess Azezah Genre: Action/Romance/Emotions/Mystery.