CHAPTER 9

7K 169 3
                                    

JIN AE POV

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Pinalibot ko pa ang paningin ko at agad na nangunot ang noo ko.

Saan naman kaya nagpunta ang maingay na si Ren?

Eh bakit ko ba yun hinahanap? Mas mabuti pa nga na umalis siya dahil matatahimik na rin ang pagtulog ko.
Nang ipipikit ko na ang mata ko ay agad akong napalingon sa pintuan ng marinig ko ang pagpihit ng door knob. Nanatiling nakatuon doon ang atensyon ko at napataas pa ako ng kilay ng walang pumasok doon. Hindi ko alam pero namalayan ko na lang na naglakad na pala ako palapit sa pinto.

Sandali pa akong natigilan ng magsimulang kumabog ang puso ko.

What the heck?Kinakabahan ba ako?

Huminga muna ako ng malalim na hininga. Kailangan ko munang kumalma. Dahan-dahan kong iniawang ang pinto kasabay ng pag awang ng labi ko sa nakita ko.

"D-demon" Nabiglang sabi ko habang hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat. May kakaiba sa kanya ngayon, mapungay ang mga mata niya at tila hinang-hina na siya.

"Baby Ae" Bahagya akong napasinghap ng mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Napakurap kurap  pa ako habang hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kanya.

Tinawag ba niya akong 'Baby Ae?'

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko malaman kung anong dahilan ng kakaibang epekto sakin ng salitang binitawan niya.

Bakit pakiramdam ko ay familiar sakin ang pangalang binigkas niya?

"A-anong ginagawa mo d---what the hell " Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang akong mapaatras dahil hindi ko inasahan ang bigat niya. Matumba ba naman sa akin?Ano bang drama niya? Bakit parang nakainom pa ata siya.

"Haysst! Pwede ba wag kang mag inarte ! TAYO" Pasinghal na utos ko pero napanganga lang ako ng hindi man lang siya gumalaw at nanatiling nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

Ano bang ginagawa niya?

"Ano ba? Wag mong sabihing may ---Oh my ghod may sakit ka ba?"Bigla na lang akong nag-alala nang maramdaman ko na  sobrang init ng hininga niya ng tumatama  iyon sa leeg ko. Sinipat ko naman ang noo niya at halos mapangiwi ako ng makaramdam ng pagkapaso.

May lagnat siya.

Napabuntong hininga na lang ako bago ko inakay si Demon para ihiga sa kama. Medyo nahirapan pa ako dahil napakalaki niyang tao. Masyado siyang mabigat kumpara sakin kaya halos matumba na rin ako habang inaalalayan ko siyang makahiga.

"Hay salamat!"Buti na lang at naihiga ko na rin siya sa kama. Naupo muna ako sa kama dahil pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko sa pag-aalalay sa kanya. Wala sa sariling napatitig sa ako sa mala-anghel niyang mukha. Ibang iba pala ang itsura niya kapag may sakit siya dahil mahahalata mo ang panghihina niya.

Lihim akong napangiti. Akala ko naman ay hindi na dinadapuan ng sakit ang isang ito. Akala ko kase ay maging sakit ay natatakot na siyang dapuan.

Bigla na lang pumasok sa isip ko na wala siyang magagawa kung tumakas man ako ngayon. Mas lalo akong napangiti ng malapad! Siguro naman ay pagkakataon ko na para makalayo rito.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga at akmang tatayo na ako ng may pumigil sakin. Hindi ko maipaliwanag ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan niya ang braso ko.

Anong ibig sabihin nito?

"Stay please, Don't leave me. I-i need you " Nanghihinang pakiusap niya. I don't know pero nanatili lang akong nakatayo habang pinagmamasdan siya. Unti unti kong naramdam ang munting haplos sa aking puso.Napapikit na lang ako dahil sa inis.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon