CHAPTER 38

4.6K 127 0
                                    

DARK'S POV.

Nagmadali akong umalis sa hospital ng kumalma na ako. Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyon pauwi sa mansion ko. Iniisip ko parin ang mukha niya ng iwan ko siya kanina sa kwarto niya.

Shit!Bakit ang bigat sa pakiramdam na makita siyang nasasaktan?

Muntik pa akong mabangga ng wala sa sariling iniliko ko ang sasakyan.

"Hoy!T@rantado ka ba at bigla ka na lang lumiliko"Singhal ng may ari ng sasakyan na muntik ko nang makabanggaan. Hindi ko na lang pinansin ang pagsigaw niya at nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho habang nakayukom ang kamao ko.

Nagsisimula na naman akong magalit. Kapag talaga hindi na ako nakatiis kukunin ko na si Jin sa kanya. Wala na akong pakielam sa kasunduan na sinasabi niya. Sino ba siya para pigilan ako?bakit ba ngayon  lang ako nagising? Kung tutuusin ay kayang kaya kong protektahan si Jin at kunin sa ama amahan niya.Napangisi na lang ako bigla.

Its time to pay old man. Masyado mong sinamantala ang  kahinaan ko. Ngayon magdusa ka sa parusa ko. Agad kong ipinarada ang kotse ko sa harap ng mansion ko at agad na pumasok ng bahay.

"Dark? Ayos ka lang?" Agad na tanong sakin ni katrina ng makapasok ako ng bahay. Tiningnan ko lang siya tsaka tinanguan. Hindi na rin niya ako ulit kinausap pagkatapos nun. Alam niya na kase na wala na akong planong magsalita at sumagot sa mga magiging tanong niya. Dumiretso na ako sa kwarto ko at agad kong idinial ang number ng kaibigan kong si brix.

"Hey"

"My man,I need your help"

"What kind of help buddy?"Tanong niya. Napangisi na lang ako ng malademonyo bago sumagot.

"May papahirapan lang akong isang tao. Isesend ko na lang sayo ang name niya with picture para hindi ka magkamali"Its time to pay. Masyado mo na kaming sinaktan.

"Copy.Wala ka ng ibang ipapagawa?"Tanong niya pa kaya naman mas lalong lumawak ang ngisi ko.

"Yes buddy. Thanks" Ibinaba ko na ang tawag at sunud na idinial ang number ng taong kinaiinisan ko.Walang iba kundi si Shun. Si Shun na boyfriend raw 'kuno' ng babaeng mahal ko. Tsk. Kaya pala hindi na nagpapakita sakin ang kumag ay dahil may mga bago ng kaibigan. Sinabi niya na rin sakin na hindi naman talaga siya boyfriend ni Jin. Plano lamang iyon para pagselosin ako at mapigilan ang kasal. Agad akong  napangiti ng sagutin niya agad ang tawag ko.

"Ano na namang kailangan mo?"Kalmadong tanong niya

"Kamusta na si Jin?"Tanong ko naman at sandaling nawalan ng imik sa kabilang linya.Muntik ko ng maibato ang cellphone ko ng sigawan niya ako sa telepono.

"Fuck you man. Bakit ka ba pumunta rito sa hospital ha? Hindi mo ba alam na kanina pa siya iyak ng iyak. Mabuti na nga lang at tumahan na siya at nakatulog na lang"

Shit!Kasalanan ko na naman.

"I'm sorry. Hindi ko na kase napigilan ang sarili ko.Sobra akong nag alala sa kanya"

Totoo naman iyon.Sobra akong nag alala na baka kung ano ng nangyari sa kanya pati na rin sa baby.
Put@ Makakapatay talaga ako kapag pareho silang nawala sakin.

"Psh!What ever my man.What ever"

"Natutulog na ba siya?"

"Oo,Pero kinukuhanan siya ng dugo.May itetest raw kase yung mga doktor sa kanya"Napatango tango naman ako.

"Mabuti naman kung ganun. Alagaan mo siyang mabuti dyan kung hindi alam mo na ang mangyayari sayo" Pagbabanta ko sa kanya.

"Oo na oo na! Wag ka ng magbanta. Para namang kaya kong pabayaan ang babaeng mahal ko" Agad naman na nanlaki ang mata ko.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon