Chapter 34

4.9K 126 6
                                    

THIRD PERSON POV.

Nagpupuyos sa galit ang nakakatandang kapatid ni Jin ng magpunta ito sa mansion ng kanilang ama. Agad siyang sinalubong ng mg tauhan ng kanyang ama upang pigilan siya ngunit tinabig niya lamang ang mga ito. Wala siyang ibang maramdaman sa mga oras na ito kundi Galit. Galit para sa tinuring nilang ama. Dire-diretso siyang pumasok ng mansion.

Nakita niya naman ang kanyang ama na prenteng nakaupo sa pang isahang sofa. Agad na yumukom ang kamao niya habang nakatingin sa kanyang walang pusong ama. Napansin ata nito ang pagdating ng kanyang anak kaya agad itong nag angat ng tingin sa kanya.

Sumilay ang malademonyo nitong ngisi habang nakatingin sa kanyang panganay. Agad na nag apoy sa galit ang mga mata ng binata habang pinapatay sa tingin ang matanda.

"Oh,Hijo napada--" Hindi na nito naituloy ang dapat sanay sasabihin nito ng mabilis siyang sinugod ng kanyang anak at kinwelyuhan ng napakahigpit na animoy gusto siyang sakalin.

"Ano na naman bang ginawa mo kay Jin!Sumagot ka! Put@ngina" Galit na singhal nito sa kanya. Hindi na nito napigilang makapagmura dahil sa sobrang galit.

"I didn't do anything to her hijo" Kaila pa nito. Tila hindi ata nagustuhan ni Eun Sun ang naging sagot ng kanyang ama kaya mas lalong nag apoy sa galit ang kanyang mga mata habang matalim na nakatingin sa kanyang ama.

"Put@! Sigurado ka? Kahit kailan talaga napakasinungaling mong matanda ka!" Umabot na hanggang langit ang galit nito sa kanyang ama.

"Hijo,wala talaga akong ginaga---"

*BOOGSH"

Natigilan na lamang ito ng maramdaman nito ang lumanding na ang kamao ni Eun sun sa kanyang mukha. Nalasahan agad nito ang malansang dugo galing sa pumutok nitong labi. Hindi na talaga kayang pigilan ni Eun Sun ang kanyang galit.

"Wag mo akong paikutin tanda! Alam kong inuulit mo na naman ang ginawa mo noon! Bwisit! Hindi ka ba talaga titigil sa pamimigay sa kapatid ko? Hanggang kailan mo ba siya sasaktan? Nasasaktan na siya e baka hindi mo lang alam!Damn it" Singhal pa nito.

"Para rin naman sa kanya iyon hijo, tinulungan ko na siyang makalaya sa Demonyong iyon at isa pa, wala naman siyang pagsisihan dahil mabait si knight. Maaalagaan siya nito ng maayos" Napailing iling na lamang ang binata sa kanyang narinig mula sa kanyang walang kwentang ama. Napayukom ang kanyang kamao at mapait na ngumiti dito. Gusto niyang pigilan ang sarili na huwag mapatay ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Ayaw niyang mabahiran ng maruming dugo ng taong ito ang kanyang kamay.

"Wala kang alam! G@go! Fvck! Sa tingin mo ba ay gusto niyang malayo sa demonyong naging buhay na niya?At sa tingin mo ba ay madali lang para sa kanya na pakisamahan ang hayop na knight na yun! Hah? Bwisit! WALA KANG ALAM sa nararamdaman ng kapatid ko. Hindi mo alam na dahil sa ginawa mo ay para mo na rin siyang pinatay"Galit na galit na sabi nito.Natigilan naman ang kanyang ama.

"Bakit naman siya nasasaktan?"Tanong nito ngunit tumalikod na si Eun sun at nagsimula ng maglakad palayo. Nang malapit na siya sa bukana ng pintuan ay nilingon niyang muli ang kanyang walang kwentang ama.

"Nasasaktan siya dahil inilayo niyo sa kanya ang taong mahal niya" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siyang muli at umalis sa lugar na iyon. Nag aalala siya sa kung nasaan ngayon ang kapatid niya. Ipinag dadasal niya na sana ay ligtas ito. Hinihiling niya na sana ay maging matatag ito dahil alam niyang sa mga sandaling ito ay unti unti ng pinapatay ng sakit ang puso nito.


JIN AE POV.

Tulala lang ako habang pinagmamasdan ko ang paligid. Mabuti pa rito payapa.Walang magtatangkang manakit sa akin. Napangiti na lang ako ng makakita ako ng mag ina. She's now carrying her baby with careful. Mas lalong lumawak ang ngiti ko at napahaplos sa sinapupunan ko. Soon, magiging nanay na rin ako. Balang-araw ay masisilayan ko na rin ang anghel sa sinapupunan ko.Handa kong gawin ang lahat maprotektahan ko lang siya. Hindi ako papayag na may manakit sa kanya. Gagawin ko ang lahat para maging the best mom para sa kanya. Mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko. Dahil siya, ang anak ko. Siya ang magsisilbing kalakasan at kahinaan ko.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon