EPILOGUE

8.7K 176 11
                                    

Last Chapter.

5 years Later.....

May mga araw na gusto mong balikan ngunit wala ka nang magagawa pa kundi ang harapin ang kasalukuyan.

Mga alaalang dapat ng kalimutan at mabuhay sa panibagong kabanatang naghihintay.

Mga taong naisin mo man na makasama habambuhay ay hindi na maari kung sila'y matagal nang wala.

Pinahid ko na lamang ang tumulo luha mula sa mata ko habang pinagmamasdan ang kanyang lapida. Inilapag ko na lamang doon ang dala kong bulaklak at naupo sa harap ng puntod niya.

Nagsimula na namang bumuhos ang mga luha ko, Naninikip rin ang dibdib ko habang hinahaplos ko ang nakaengrave na pangalan roon.

"Alam mo ba? Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin matanggap na wala kana, Na iniwan mo na ako. Diba sabi mo sasamahan mo ako? Bakit ka sumuko? Bakit mo ako iniwan? Nakakainis ka! Miss na miss na kaya kita! Wala nang mang aasar sakin. Kung bakit kase kinuha ka niya agad samin eh. Pero alam ko naman na masaya ka na diyan sa piling ni mommy. Ikamusta mo na lang ako sa kanya, Mukhang matagal pa ang hihintayin ko bago ko kayo ulit makakasama at mahahagkan. I miss you kuya! Thank you for being the best brother to me. Thank you for saving me. Thank you for protecting and also thank you for loving me.I love you kuya, Still, I can't forget that you're already gone"

Pakiramda ko ay kinakapos ako sa hangin dahil sa pag iyak ko. Miss na miss ko na si kuya. Kung hindi sana ako naglayas noon, mas nagkaroon pa siguro ako ng mas maraming pagkakataon para makasama si Kuya Eun Sun ko. Kung sana hindi ako naging matigas, hindi kami umabot sa ganito. But I know na ayaw ni kuya na sisihin ko ang sarili ko sa nangyari. Hindi ko lang matanggap na wala na siya samin.

Naramdaman ko naman na may humagod sa likod ko at nagulat pa ako ng siya na mismo ang nagpunas ng luha ko.

"Thank you" Sabi ko nang matapos niyang pahirin ang lahat ng luha ko. Nginitian naman niya ako at niyakap sa mula sa likod.

"Always welcome wife, Wala kang kasalanan sa nangyari okay? Desisyon niya na iligtas ka dahil mas hindi niya kakayanin kung siya ang mabubuhay at ikaw ang mawawala" Napangiti na lang ako sa sinabi ng asawa ko. Limang taon na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon.

"Alam ko naman iyon hubby, pero kase sobrang miss ko na si kuya" Malungkot na sabi ko. Naramdaman ko pa na umalis siya sa pagkakayakap sakin at nagulat pa ako ng halikan niya ako sa labi.

"I know it's hard for you to move on but nandito naman kami ni Mira just to cheer you up"Sabi pa niya kaya naman nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko.

"I love you" Then he smile at me.

"I love you too wife"Sabi niya at hinalikan ulit ako sa labi.

"Mommy! Daddy !" Agad kaming naghiwalay ng marinig namin ang boses ng anak ko na si Mira. Short for Miracle.

"Hey, baby" Agad naman akong hinalikan ng anak ko sa aking pisngi at kumandong sakin.

"Mommy? What happened to your eyes?"Inosenteng tanong niya. Ngumiti naman ako tsaka humalik sa noo niya.

"Wala lang ito baby, We're your tito Duke?" Tanong ko sa kanya. Itinuro naman niya sa di kalayuan ang kapatid ko.

"Mommy, Pwede na po ba tayong umuwi? I'm starving na po eh" Nakapout na sabi ng anak ko kaya naman napatawa na lang ako.

"Okay, We will go home now"Nginitian naman ako ng anak ko. Kinarga ko na lang din siya habang nakaakbay sakin si Dark. Nang makarating kami kila kuya ay agad naman nila kaming kinawayan.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon