CHAPTER 19

6.1K 142 0
                                    

JIN AE POV.

Two weeks na rin ang nakalipas simula ng mafracture ang paa ko. Nakakatayo na rin naman ako ng maayos pero medyo kumikirot pa rin paminsan-minsan.

Napabuga na lang ako ng hangin. Iniisip ko kasi yung sitwasyon ko ngayon. Kung ano nga ba ang pipiliin ko.

Child or freedom? Gusto ko ng lumaya sa lugar na ito. Sino ba naman ang may ayaw na makaalis sa impyernong ito?

But the other side I can't. Makakaalis lang ako kung may maiiwan.  At ayokong may maiwan na naman ako. Ayokong may ibang magdurusa para lang sa kalayaan ko.

Kung bakit kasi ayaw niya pa akong pakawalan? Marami naman babaeng kayang ibigay ang hinihingi niya. Bakit ako pa?

Agad naman akong natigilan ng bumulas ang pinto at pumasok doon ang isang demonyo

"Dress up." Utos naman niya kaya napakunot noo ang ko.

"Huh?"

"I said dress up," walang emosyong sabi niya. Tinaasan ko naman siyang kilay.

"Bakit?" mataray na tanong ko.

"Are you gonna do what I said o ako na mismo ang magdadamit sayo?" Mabilis naman ang naging kilos ko at agad akong kumuha ng maayos na damit tsaka nagbihis sa loob ng shower room. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako rin ako at nakita ko lang siyang nakaupo sa kama.

"Ayos na ba yung suot mo?" tanong niya. Inirapan ko lang siya.

"Nakadamit pa rin ako.Wala akong balak maghubad," sabi ko na ikinasama ng mukha niya.

"Anong sabi mo?" pagalit na tanong niya.

"Huh?" painosenteng tanong ko. Iba pa naman magalit ang demonyong ito.

"Tsk, let's go," sabi niya bago ako tinalikuran.

"Saan ba ang punta natin?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang naman malaman kung saan kami pupunta.

"Malalaman mo rin mamaya,"

"San nga kasi? Parang nagta--hmpp!" Napahinto na lang ako ng halikan niya ako sa labi.

What the heck?

Ilang beses ba siyang magnanakaw ng halik? Psh!

"Could you please shut up! Ang ingay mo!" Singhal niya na ikinatulala ko.

Sino ba naman ang hindi? Hinalikan lang naman ako ng isang demonyo.


"Hey, bakit nakatayo ka pa rin diyan?" inis na sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako. Hanggang sa namalayan ko na lang na hila hila na pala niya ako. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse kaya sumakay na ako agad don. Nagsimula na rin siyang magmaneho kaya nagpakalumbaba na lang ako.

Hanggang sa hindi ko namalayan na  nakarating na pala kami sa destinasyon namin. Nangunot lang ang noo ko ng makita kung nasan kami ngayon.

Night bar?

"Hey, get out of my car." Narinig kong sabi niya. Napairap na lang ako bago lumabas ng kotse niya.

Pwede ba akong pumasok sa loob? Nineteen palang kasi ako.

"Bakit tayo nandito?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi niya naman ako sinagot at basta na lang akong iniwan. Inis na sumunod na lang ako sa kanya.

Napakasama ng ugali niya!

"Isasama ako tapos iiwan lang din pala ako pagkatapos," inis na bulong ko habang masama ko siyang sinusundan ng tingin.

Akala mo kung makapaglakad walang kasama.

Nakita ko siyang pumasok siya sa loob kaya sumunod na lang ako. Hindi naman ako sinita ng bouncher kaya nakahinga ako ng maluwag.


Napangiwi na lang ako sumalubong sa'kin ang makapal na usok galing sa sigarilyo.


"Hoy! Hintayin mo nga ako!" inis na singhal ko pero hindi naman niya ako pinansin. Huminto na lang ako dahil para akong tangang habol nang habol at sunud nang sunod sa kanya.

Akmang pipihit na ako palabas ng matanaw ko ang bar counter. Ewan ko ba at bigla akong nag crave sa alak kaya lumapit na lang ako doon.

"One tequilla please." Nginitian ko na lang ang bartender dahil titig na titig ito sa'kin. Animo'y sinusuri akong mabuti.

"Ilan taon ka na hija?" Agad na tanong niya bago niya inabot sa'kin ang alak ko.

"19," matipid na sagot ko.

"Ang bata mo pa pala hija, bakit ka nagpunta rito?" tanong niya. Mabilis kong tinungga iyon at agad ring napangiwi. Agad akong nakaramdam ng hilo.

"H-Ho? Sinama lang po ako ng kasama ko. M-mauna na ako manong." Nagpaalam na ako. Agad akong napahawak sa ulo ko ng lumala ang pagkahilo ko. Mahina pala ako pagdating sa alcohol. Damn!

"Shit!" Sinubukan ko pa ulit na maglakad ngunit agad rin akong na out of balance. Akala ko babagsak na ako pero nagulat na lamang ako nang may humigit sa'kin.

"What do you think are your doin--the hell! Are you drunk?" Narinig kong tanong ng humigit sa'kin. Agad naman akong nagmulat ng mata. Kaya naman pala pamilyar ang boses niya. Si Demon lang pala.


"Huh? Sinong lashing? Hindi!" natatawang sabi ko. Namalayan ko na lang na binuhat na niya ako at saka pinahiga sa backseat.

"Tsk." Ipinikit ko na lang ang mata ko.

"Hey! Saan mo ko dadalhin?" tanong ko. Hindi ko magawang imulat ang mata ko dahil pakiramdam ko ay mabibiyak ang ulo ko.

"Shut up korean girl or I will eat you," banta niya. Nagmulat naman ako ng mata at ngumiti sa kanya.

"Hindi naman ako pagkain eh. Hush! Ikaw kainin ko diyan eh," pabirong sabi ko. Lasing na nga siguro ako.

"Lasing ka lang! Ilang baso ba ang nainom mo?" tanong niya.

"Hehehe, isa lang naman," wala sa sariling sagot ko. Nahihilo ako.

Hindi ko namalayan na nakabalik na pala kami. Naramdaman ko na lang na inilapag niya ako sa kama pero hindi ko pa rin inalis ang kamay ko sa leeg niya.

"Bitaw!"

Agad naman akong umiling at mas hinigpitan ang pagkakayapos ko sa leeg niya.

"Ayaw. Dito ka lang." inis na sabi ko. Kanina nga iniwan na nga niya ako tapos ngayon iiwan pa rin niya ako.

"Sh*t! Bibitaw ka ba o magkakalaman talaga yang tiy--"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng halikan ko siya.

"Ingay mo! Shut up ka nga," masungit na sabi ko dahilan para mangunot ang noo niya.

"What do you think have you done korean girl?" Narinig kong sabi niya. Nginitian ko naman siya.

"Eh? Hinalikan mo rin naman ako kanina. Patas na ta--hmp!"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang may sumakop ng labi ko. Napakapit na lang din ako sa leeg niya ng maramdaman kong unti unti na niya akong hiniga sa kama. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Basta ang alam ko lang ay nalulunod ako sa mga halik niya.

Halos mapasinghap ako nang may kumagat sa tenga ko at saka bumulong.

"Freedom or my needs?" Hindi ko na magawang imulat ang mata kaya ngumiti na lang ako.

"Take me now," wala sa sariling sabi ko at namalayan ko na lang na pinapaubaya ko na pala ang sarili ko sa kanya.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon