CHAPTER 26

5.8K 136 1
                                    

JIN AE POV.

Nagising ako na parang kinakalukay ang tiyan ko.Nasapo ko ang bibig ko habang pinipigilang masuka. Hindi ko magawang itayo ang sarili ko dahil nanghihina pa rin ako. Mahina akong napamura ng umikot ang paningin ko at muli akong napahalik sa kama.

Kung bakit ba kase nagkakaganito ako.

Halos wala na akong makita dahil maging ang pagdilat ay hirap na hirap akong gawin. Pinilit ko na lang ang sarili kong makapunta ng banyo dahil nasusuka na talaga ako.

"Argh!Hindi na talaga normal 'to"

Biglang sabi ko sa sarili. Ayoko man  aminin sarili ko pero hindi ko maiwasang  kabahan sa kung ano nang nangyayari sakin.

Nag-aalala na ako sa kalagayan ko.

Agad akong tumakbo papuntang banyo at nagsuka sa lababo. Napakapit pa ako sa edge ng lababo dahil ramdam na ramdam ko ang pangangatog at panghihina ng tuhod ko.

Damn!

Nasapo ko ang sentido ko dahil parang pinupukpok iyon ng martilyo sa sobrang sakit.

Is it a morning sick?But I'm not pregnant.

Natigilan naman ako at saglit na napatulala. Nanlaki agad ang mata ko at hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat na maging reaksyon ko.

What if kung buntis nga ako?

Oh my ghod!

Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait. Masyado na siguro akong nag iisip ng kung anu ano kaya ganito na lang ang nagiging epekto sakin. Tsaka paano naman ako mabubuntis?Isang beses lang naman nangyari yun at sisiguraduhin kong hindi na masusundan ang pagkakamaling iyon.

Maingat akong tumayo at bumalik sa kama.Nahihilo pa rin ako kaso nauuhaw na ako.Wala naman si knight sa tabi ko kaya wala akong mautusang kumuha ng tubig para sakin.

Huminga muna ako ng malalim tsaka dahang dahan na tumayo.Nanginginig ang tuhod ko habang humahakbang ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pababa sa hagdan. Napakapit ako sa edge ng railing nang umikot na naman ang paningin ko. I need to take a pain reliever.

Sobrang sakit ng ulo ko.

Nakapikit lang ako habang papunta sa Kitchen ng may mabangga ako at may mabasag.Napamulat naman ako para tingnan kung ano ang bagay na nalaglag.

Agad na bumungad sakin ang nabasag na vase at sa gilid nun ay ang babaeng Fiancee daw ni Demon. Nangunot lang ang noo ko ng masama niya akong tingnan.

Ano na naman bang nagawa kong kasalanan?

"You!"Dinuro niya ako kaya naman napatigil ako.

"Ako?"

"Kahapon pa ako nag titimpi sayo.Alam mo ba kung gano kamahal ang vase na ito hah? antique yan ag napakahirap maghanap ng ganyan tapos binasag mo lang?"Inis na sabi niya.Napaatras naman ako.

"Sorry hindi ko naman alam na --

"--Kase tanga tanga ka, Argh let me destroy your ugly face"Kinuha niya yung nagkalat na bubog sa lapag tsaka humakbang palapit sakin.Napaatras naman ako.

Ano bang gagawin niya ?

"Don't come near me.H-hindi ko naman sinadyang mabasag yung-Ouch" Napadaing na lang ako ng bigla niyang hablutin ang buhok ko.

"Wag kang mag malinis.Tutal kahapon pa ako nagtitimpi sayo,kahit pinsan ka pa ni dark wala akong pakiealam"Mahina akong napadaing ng may kung anong kirot na bumalatay sa pisngi ko.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon