Chapter 40

5.5K 117 2
                                    

JIN'S POV.

"I will never leave you again baby...I love you" Agad kong naramdaman ang pangingilid ng luha ko. Ang bigat sa pakiramdam na marinig ang katagang ' Mahal kita ' Masakit pa rin ang puso ko sa tuwing bibigkasin niya na mahal niya ako.

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sakin at hindi siya pinansin. Plano ko na sanang lumabas ng kwarto ko ng maramdaman ko ang paghila niya ulit sakin at ikulong na naman ako sa mga bisig niya. Naramdaman ko rin na ipinatong niya ang ulo niya sa aking leeg.

Gusto ko siyang itulak palayo ngunit hindi ko naman siya magawang ilayo. Mas lalo niya lang ding hinigpitan ang pagkakayakap niya sakin na animo'y ayaw na akong pakawan. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak.

"Bakit ka ba ganyan! Nakakainis kana! Paasahin mo na naman ba ako ha! Bakit ka pa bumalik!? Umalis ka na nga! Ayoko na sayo, Ayoko na muling maniwala sa mga sasabihin mo! Ayoko na ulit masaktan dahil hindi ko na kaya kung mangy---mmpt"

Hindi ko na naituloy pa ang mga dapat sana'y isusumbat ko sa kanya nang matigilan ako at maramdaman ang pagtatagpo ng labi naming dalawa.

Nanghihinang bumagsak ang mga kamay ko na kanina sinasaktan siya. Nawalan na ako ng lakas na ilayo pa siya. Nawalan  na ako ng lakas na ipagtulakan siya sa palayo sakin. Naramdaman ko rin na mas lalo pa niyang pinalalim ang halik. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at kusang pumulupot ang kamay ko sa kayang leeg at buong puso kong  tinugon ang bawat halik niya.

Biglang naglaho ang lahat ng aking pangamba. The way he kiss me, Nararamdaman ko na iniingatan niya ako. Na pakiramdam ko ay hindi na niya ulit hahayaang masaktan pa ako.Natapos ang halikan naming dalawa nang parehas na kaming kinapos sa hininga. Akmang aalis na ako sa pagkakayakap niya ng higitin niya ako lalo at ipinagdikit ang noo naming dalawa.

"I'm very sorry baby, sorry kung nasaktan kita. Alam ko na napakagago ng ginawa ko sayo pero baby, Natakot lang naman ako na baka mawala ka sakin. Pinagbantaan ako ng step-father mo. Sa mga panahong yun ay hindi pa ako nakakapag isip ng tama kaya naman natakot ako na baka ituloy niya ang balak niyang pagpatay sayo. And now I realize na ang laki kong tanga. Bakit ako matatakot sa ama amahan mo kung kaya ko naman siyang kalabanin? Kung kaya naman kitang ipagtanggol laban sa kanya. I'm very sorry baby, please forgive me" Naramdaman ko na lang din na nababasa na ang balikat ko. Umiiyak ba siya? Parang may kumurot sa puso ko at wala sa sariling pinahid ko ang luha niya. Ang unfair naman! Bakit hindi ko magawang kamuhian siya kahit sukdulan na ang sakit na ibinigay niya. Napabuntong hininga na lang ako at mapupungay na matang tumingin sa kanya.

"You know na hindi ko kayang magalit sayo. Siguro nga makakaya kong sabihin sa sarili kong kailangan kong magalit sayo dahil sinaktan mo ako but my h-heart? my heart still reminds me  that I can't be mad at you. I still love you even you always tearing me in half I still do. Hindi ko kayang magpanggap na galit ako sayo because God knows how much I want to be with you. But still I hate you.Naiinis ako sayo dahil napakapaasa mo!" Narinig ko naman ang pagtawa niya at ang marahan niyang paghaplos sa aking mukha.

"I know, But I love you baby. Again I'm sorry"Nginitian ko lang siya at walang sabi sabing hinead bat siya.

"Ouch--Bakit mo ginawa yun?"Takang tanong niya.Inirapan ko naman siya at nginitian ng peke.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon libre ang forgiveness. Minsan kase hindi na ito deserve nung nakagawa ng pagkakamali. Ano ka sinuswerte?sMagdusa ka muna. Ilang balde rin ang niluha ko para kahit papaano mabawasan yung sakit sa puso ko tapos ikaw makukuha lang yung kapatawaran ko ng ganun kadali?"Masungit na sabi ko ngunit nakita ko lang naman siyang ngumisi.

"Still Jin Ae parin pala.Well, Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"Ngumiti lang ako ng pagkatamis tamis.

Tingnan natin kung makuha ka pa sakin ng iba.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon