Chapter 43

4.7K 99 2
                                    

Chapter 43

EUN SUN'S POV.

Nakayukom lang ang kamao ko habang minamaneho ko ang kotse ko papunta sa mansion ng matandang hukluban na iyon.Hindi pa rin pala talaga siya tumitigil sa pagpapahirap sa kapatid ko. Tuluyan na siyang nilamon ng poot at galit niya.

Hindi pa rin niya makalimutan ang nagawa nang magulang ni jin sa kanya.Demonyo talaga siya,Hindi siya marunong maawa.

"Mamaya ka na magalit bro,Baka mabangga tayo eh"Sabi pa ni kit. Hindi na lang ako umimik kay kit.

Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa daan at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Nang matanaw ko na ang malaking mansion na nahaharangan ng malaking itim na gate ay binangga ko lang iyon.

"What the fuck!?"

"The hell man"

"Shit"

Nabasag ang salamin at tumalsik sa loob ang bubog.Hindi ko na lang iyon pinansin at kinuha ang baril ko bago nagbukas ng pinto at tinutukan ang mga bantay.

"Shit!Di ka man lang nagsabi man!"Reklamo ni kit na may sugat sa kaliwang braso.Psh!Akala mo naman mamamatay siya.

"Manahimik ka na lang!"Inis na sabi ko.May mga hawak na rin sila Dark na baril at kapwa nakatutok sa mga nakaitim na mga tauhan ng amahin ko.May nakatutok rin sa amin mga baril. As if naman na matatakot kami sa ganyan ganyan nila?Tss.

"Nasan ang magaling niyong amo?"Kalmadong tanong ko sa kanila ngunit hindi ko inalis ang matatalim na titig ko nang isa isa ko silang tingnan.Wala man lang nagsalita.

"Bakit naman----"

*Bang*

"Shit!"

"Dahan dahan naman bro!"

Reklamo ng mga kumag ng matalsikan sila ng dugo mula sa lalaking pinasabog ko ang ulo.Psh!Sasagot na nga lang mali pa.Ayan ang napala.

Lumingon naman ako ulit sa mga tauhan niya na ngayon ay namumutla na at mahahalata ang takot sa kanilang mga mukha.Mga walang kwenta!Duwag naman pala.

"Ano!Asan ang walang hiyang matandang yun!?"Galit na sigaw ko.Nanginginig na rin sila dahil sa pagsigaw ko.

"N-nasa Isla po--"

*BANG*

Binaril ko lang ulit ang muling nagsalita.Dahil sa sobrang galit ko ay hindi ko kayang palampasin ang kung sino at talagang dun pa niya dinala si jin sa islang iyon. Sa isla kung saan malayo kami. Damn!Mapapatay ko talaga kahit pa ama ko siya.

"Fuck! Kanina ka pa Eun sun. Kadiri yung dugo psh!"Hindi ko na lang pinansin ang mga reklamo ng mga kagangmates ko psh.Ang aarte!Akala mo babae. Sumakay na lang ulit ako sa kotse na ngayon ay basag na ang unahan at yupi yupi.

"Saan ka pupunta?"Tanong ni Shun.Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon.

"Saan pa ba ang punta ko?Malamang kay jin "Inis na sabi ko.Hindi naman siya umimik.

"Uy,Tara na pupunta pa tayo kay jin"Sabi naman ni seth kaya naman sumunod na rin silang pumasok sa loob ng kotse kung kotse pa nga itong maituturing.

Agad kong pinaharurot iyon.Shit!Shit!Baka kung ano na ang ginagawa niya kay Jin.Hindi ko talaga siya mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kapatid ko.

"Saan naman tayo ngayon papunta?"Kalmadong tanong ni Dark ngunit madilim naman ang aura niya.Napabuntong hininga na lang ako.Damn!Mukhang itutuloy niya nga ang balak niya na ipakasal si jin kay knight!Shit naman.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon