CHAPTER 31

5.6K 120 0
                                    

DARK'S POV.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan si Baby Ae na mahimbing na natutulog. Basta na lang kase siyang  humilig sakin kanina habang nagsasalita pa ako.

Napailing iling na lang ako habang may sumusupilpil na ngiti sa labi ko.
Hinaplos ko pa ng marahan ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.

"I love you Wife"Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumayo na ako. Ipagluluto ko siya para naman makabawi ako sa kanya. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto namin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing maaalala kong matutupad na ang pangakong binitawan namin sa isat isa noon. Na kami at kami lang ang pwedeng magsama habambuhay.

Papunta na ako ng kitchen ng makasalubong ko si knight na nakangisi. Nangunot lang ang noo ko at pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. This guy is getting to my nerves.May hindi ako magandang nararamdaman sa kanya.

"What are you doing here?"May diin sa bawat salita ko. I just want to show my disgust to him.Tila hindi naman siya naapektuhan at nginisian niya pa ako na mas kinaasat ko.

Kailan pa siya naging aso?

"Well its time to pay back Dark" Nakangising sabi niya. Nangunot naman ang noo ko habang matalim na nakatitig sa kanya.

"What are you trying to say knight?Wag mo akong gawing manghuhula" Tiim bagang na sabi ko. Naiinis na talaga ako sa kanya. Knowing na may gusto siya sa asawa ko ay nakakapang-init na ng ulo. Ako lang ang pwedeng mag may ari sa kanya. Ako lang wala ng iba.

"Ano kayang mararamdaman ng isang demonyo kapag may kumuha ng pinakaiingatan at pinakamamahal niya" Makahulugang sabi niya kaya naman mas lalong nalukot ang mukha ko. Naguguluhang tumingin ako sa kanya habang nakayukom ang kamao.

"Ano ba talagang kailangan mo! Sabihin mo na nang makaalis ka na sa pamamahay ko!"Kalmado ngunit nagbabanta.

"Chill,easy ka lang, anyway nandito ako para kunin si jin. Opss! para pala bawiin mula sayo si jin" Mas lalong tumalim ang titig ko sa kanya at mas humigpit ang pagkakayukom ko sa aking kamao.

"Ano bang sinasabi mo? Kukunin mo siya?Babawiin? Sa tingin mo ba ay sasama pa siya sayo? "Nang aasar na sabi ko habang nang uuyam na nakatingin sa kanya. Ngumiti lang siya kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

Ano bang dahilan at nagagawa niya pang ngumiti?Tsk! Napakabading.

"Alam kong sasama siya sakin dahil alam kong dati niya pa gustung gustong maka alis sa impyernong ito"

Noon iyon pero hindi na ngayon.Malabong mangyari na iiwan niya ako.

"Too late bro, ikakasal na kami ni baby Ae" Nakangising sabi ko kaya agad na nanlaki ang mata niya at nakita ko kung paano yumukom ang kamao niya.

"Tsk!Anong pananakot ba ang ginawa mo at nagawa mong mapapayag si Jin huh?"Galit na singhal niya.Nakita ko sa kanyang mata ang labis na galit at sakit.

Bakit naman siya nasasaktan?

"Hindi ko siya tinakot at kung ano pa man. Bukal sa loob niya ang pagpayag na pakasalan ako dahil hanggang ngayon ay ako pa rin ang mahal niya" Narinig ko naman na natawa siya sa sinabi ko.

"Tumawa ka kung nagbibiro ako pero kung ganito ako kaseryoso ay humanda ka sa magiging parusa mo"Mahinang bulong ko sa isip ko.

"Tsk, ikaw mahal niya? Sa tingin mo ba mahal ka ni jin? baka naman napipilitan lang siya" Nang uuyam na sabi niya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at walang sere seremonyang sinuntok ko siya.

"G*go! Umalis ka na dito kung ayaw mong mamatay sa mga kamay ko" Hindi naman siya natinag at marahan lamang na  Ngumisi  pinunasan ang dugo sa labi niya.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon