CHAPTER 32:COLD DEMON

5.5K 120 2
                                    

JIN AE POV

Panay lang ang hikbi ko habang tinatahak namin ang daan pabalik sa mansion. Siguro kung dati pa ito nangyari ay matutuwa pa ako. Hindi ngayon na labis labis ang galit sa puso ko. Ngayon na ayoko ng mawalay sa piling ng demonyong mahal ko. Ngayon na gusto ko na lang makasama ang demonyong tinitibok ng puso ko. Ngayon na ayoko ng bumalik sa mansion na minsan ko ng iniwan dahil sa nagawa nila noon.

Nauulit na naman ang nangyari noon.Wala pa ring pinagkaiba, parehas na senaryo parin na pinilit nila akong pakasalan ang kakambal ni Ace na si Ice. Wala akong alam noon, akala ko ay kung sino lamang ang ipapakasak sakin kung kaya't nakaramdam ako ng takot. Takot na pumasok sa isang napakabigat na obligasyon dahil nasa murang edad pa ako noon.

Napaisip rin ako noon kung pamilya ba talaga ang turing nila sakin. Kung pamilya ang turing nila sila sakin ay bakit ganun na lang sila kung ipamigay ako?

Natigil lang ako sa paghikbi ng may magbukas ng pinto. Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko lang si knight na nakatayo sa tapat ko.Mabilis kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatigil na pala ang sasakyan. Nanatili lang ako sa loob. Ni hindi ko maigalaw ang dalawa kong paa para maglakad. Natatakot ako, takot pa rin akong bumalik sa lugar na nagsilbing unang impyerno nang buhay ko.

"Bumaba ka na dyan Jin kung ayaw mong kaladkarin ka pa ng mga tauhan ng daddy mo"

Matapang kong sinalubong ang tingin niya. Walang bakas ng emosyon doon. Pakiramdam ko ay nakikita ko si dark sa kanya. Ang pinagkaiba lang nila ay hindi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit siya.

"Ayoko! Ayokong sumama sayo sa loob" Pagmamatigas ko. Kahit anong gawin niya ay hindi ako sasama sa kanya. Hindi ko lubos maisip na siya pa ang gagawa sakin nito. Siya pa naman ang pangalawa sa huling naisip kong gagawa sakin nito. Tiningnan niya lang ako ng walang emosyon at hinawakan ang kamay ko. Agad ko iyong tinabig at sinamaan siya ng tingin.

"Wag mo kong hawakan!" May diin ang bawat salita ko pero parang wala siyang naririnig at hinawakan niya naman ang kamay ko. This time ay hindi ko na iyon natabig pa,Masyado siyang malakas, nasasaktan ako sa paraan ng paghawak niya.

"Ano ba!Bitaw"Inis na singhal ko sa kanya at pilit na nagpupumiglas sa hawak niya pero hindi naman siya nakinig at hinila na ako palabas ng kotse niya.

"Urgh!Bitawan mo ko knight ano ba!"Naiinis na sabi ko.Naramdaman ko na lang din ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"Huwag ka nang magpumiglas pa dahil wala ka nang magagawa. Sakin ka pa rin ikakasal baby kaya please wag na okay? Ayokong nasasaktan ka"Tinaliman ko siya ng tingin ng marinig ko ang huling sinabi niya.

"Mas gugustuhin ko pang masaktan kaysa maikasal na naman sa taong hindi ko naman mahal"Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng guilt ng sabihin ko iyon. Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at naging malamig na ang mga mata niya.

"Psh!Baby ayoko sanang pwersahin ka kaso pinipilit mo talaga ako kaya sorry dahil hindi kita pwedeng pakawalan ngayon" At naramdaman ko na lang ang pagkaladkad niya sakin.Napapikit na lang ako dahil sa sakit.

"Pakawalan mo na ako please"Pagmamakaawa ko.Alam kong siya pa rin si knight. Si knight na kaibigan ko. Si knight na hindi gagawin ang ganito. Sana, sana nga siya pa rin yun. Ngunit bumagsak ang balikat ko ng makapasok kami sa loob ng mansion. Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapaluha at tahimik na magdusa.

Hanggang dito na lang ba talaga kami? Ano bang problema ng tadhana samin? Palagi na lang niya kaming pinaghihiwalay simula pa nung mga bata kami.

"Dad,nandito na si Jin"Agad na binalot ng poot ang puso ko ng makita ko ulit si dad. Two years after, Ibang iba na siya. Hindi na siya ang daddy ko,para na siyang isang tunay na demonyo.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon