❤CHAPTER 11❤

6.5K 137 0
                                    

HIS POV

Nagmamaneho lang ako ng bigla akong mapatingin sa kanya..She's sleeping at hindi ko magawang maalis ang tingin sa kanya. I admit that she's beautiful with her blonde shoulder hair and with her rosy cheeks and kissable lips.

Napailing na lang ako bago ibinalik ulit ang tingin sa daan.Wala pa rin namang magbabago. Ayokong matulad kay Ice na nagpakatanga dahil sa babaeng 'to.

Natigilan naman ako ng marinig ko ang pagvibrate ng cellphone niya. Agad na nagsalubong ang kilay bago ko sinagot ang tawag. Sa pagkakaalala ko ay bago ang gamit niyang sim.

Paanong may nakakaalam ng number niya bukod sakin?

"Who's this ?"Walang sumagot sa kabilang linya kaya mas lalo akong nagtaka. Nang tingnan ko ulit ang tawag ay naputol na iyon. Inis na ipinasok ko iyon sa bulsa ko.

Sino naman kaya iyon? Imposimble namang may makaalam ng number niya. Damn!

Napapikit na lang ako at saglit na inalis sa isip ko ang gumugulo sakin. Nang magmulat ako ng mata ay natanaw ko na rin ang Moa.Napabuntong hininga na lang ako bago ipinark ang sasakyan sa parking lot.

Nilingon ko ulit siya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilang mapangiti.

Ang cute niya.

What the hell? Ano ba 'tong iniisip ko? Nanatili pa akong nakatitig sa kanya ng magmulat siya ng mata.

"Staring while i'm sleeping was rude!" Mataray na singhal niya sakin bago ako sinamaan ng tingin.

"I'm not staring at you korean girl" Pagsisinungaling ko. Ayoko siyang tawagin sa tunay niyang pangalan dahil hindi naman siya parte ng buhay ko.Hindi siya importante kaya wala akong pakiealam sa kung anumang itawag ko sa kanya.

"I'm not assuming bastrad!Huwag ka nang magsinungaling pa dyan"

"Tss"

Lumabas na lang ako ng kotse ko dahil nakakairita ang pagsigaw sigaw niya.

"Labas kung ayaw mong makulong diyan" Inis na sabi ko. I saw her raised her middle finger to me.Tumalim lang ang tingin ko sa kanya pero hindi naman siya natinag. Lihim akong napailing,kakaiba rin ang tapang niya.

"Ano bang ginagawa natin dito?"Tanong  naman niya.

"Obviously, Ano bang ginagawa sa mall ?"Inis na tanong ko. Nakita na ngang nasa mall kami ay nagtatanong pa siya. Ano pa bang ginagawa sa mall?

"Uhmm shopping?Not sure" Tuluyan na akong nawalan ng pasensya.

Tsk! Alam naman pala nagtanong pa.

"tsk, exactly!" Iritadong sabi ko bago naglakad ng mabilis. Bahala siyang humabol sakin.

JIN AE

Napairap na lamang ako! Parang nagtatanong lang naman tss. Nakakairita! Tsaka magdedeny pang hindi niya ako tinitingnan eh hindi naman talaga ako tulog. Nakapikit lang ako. Nagising kase ako ng magvibrate yung phone ko.Kaya alam kong nakatingin siya sakin..Psh!

Inis akong humakbang para sundan siya sa loob ng mall ngunit agad rin akong napahinto nang may maalala ako. nasan na siya? Imbis na mainis ay pinakalma ko muna ang sarili ko.

Bakit ko ba siya hinahanap?Pagkakataon ko na rin naman ito para makatakas.Makakauwi na rin ako sa wakas. Pumihit ako patalikod kaso napaatras lang ulit ako.

"Aish!Ansakit" Nasapo ko ang noo ko na tumama iyon sa matigas na bagay. Ano ba yun? Don't tell me nagkaroon ng poste sa gitna ng mall ? Tsk crazy...

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon