CHAPTER 27

6K 152 0
                                    

KNIGHT POV.

Napayukom ako ng kamao habang nakatitig sa maamong mukha ni Jin.Halata pa rin sa mukha niya ang sugat sa pisngi niya.Kung sino man ang gumawa non ay mapapatay ko talaga.

Agad na bumaba ang tingin ko sa kamay niya.Nangunot lang ang noo ko ng makitang namamaga ang palibot ng palapulsuan niya.May ginawa na naman ba si dark sa kanya?

Kusa akong napabuntong hininga at pinaglandas ang daliri ko sa pilikmata niya.

"Just wait Jin.I need more time para mailayo kita kay dark.Hindi ako papayag na patuloy kang maghirap sa kamay niya"Mahinang sabi ko habang nakatitig sa kanya.Napansin ko agad ang pag galaw niya kaya naman agad kong binawi ang kamay ko.

"K-knight?"Mahinang usal niya.Para naman akong naestatwa at kusang napatitig sa mga mata niya.Mariin akong napayukom ng kamao.Namamaga pa ang mata niya at sigurado akong may ginawa na naman sa kanya si dark para magkaganyan siya.

"Hey"Mahinang sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?Nakatulog ka ba ng maayos?May masakit ba sayo?"Agad siyang umiling at sandaling napahawak sa tiyan niya kaya nangunot lang ang noo ko.

"Ayos ka lang?Nagugutom ka ba?"Biglang tanong ko.Agad naman siyang napalingon sakin at halos madurog ang puso ko ng makita ang ngiti niya.

Nginitian niya ako.

"Ayos lang ako.Iwan mo muna ako."Biglang sabi niya.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.

Damn!

Nakangiti nga siya but fuck! Ang lungkot ng mga mata niya at pakiramdam ko pa ay naninikip ang paghinga sa tuwing iisipin kong nasasaktan siya.

"Kung may kailangan ka nasa labas lang ako"Agad naman siyang tumango at nag iwas ng tingin.Alam kong may mali pero ayoko munang magtanong sa kanya. Ayoko siyang biglain. Mabilis akong lumabas ng kwarto niya at sumandal sa hamba ng pintuan. Ayoko siyang iwan kaya dito lang ako.

"Ayoko na!Sobra na*Sob*Sobrang sakit na" Natigilan naman ako ng marinig ko ang boses niya. Umiiyak ba siya?Napabuntong hininga na lang ako at inilapit ang tenga ko sa pintuan. Hindi ko ugali ang makinig pero kung tungkol kay Jin ay makikinig ako lalo pa't pakiramdam ko ay gusto niyang maglabas ng hinanakit sa puso niya.

"Can't you see? Hirap na hirap na ako.Nakakainis ka!Nakakabwisit ka!Galit ako sayo kase sinaktan mo ko *Sob*Pero kahit na *Sniff* Nasasaktan ako *Sniff* Hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin ka."Parang pinagpira piraso ang puso ko habang nakikinig sa kanya.

Mahal niya si Dark?

"And what now?Makukuha ko na ang kalayaan ko?Is it for real?"Saglit na huminto ang pag iyak sa loob ng kwarto at halos manghina ang tuhod ko sa sunod na narinig at nalaman ko.

"Ayokong lumaya. Gusto ko na lang siyang makasama. Masyado na akong nahulog sa bitag niya.Wala na akong pakielam kahit masaktan man niya ako. Mahal ko siya at isa pa
....Buntis ako. Magkakaanak ako pero nakakalungkot isipin na wala akong karapatan para sa baby ko--"Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya.Agad na umakyat ang lahat ng dugo ko at agad na lumabas ng hospital.Wala siyang karapatang saktan si Jin.Wala siyang karapatang saktan ang babaeng mahal ko.

Nakakalungkot isipin na wala akong karapatan sa baby ko.

Agad akong napapreno ng maalala ko ang sinabi niya. Mas nagmadali ako sa pagmamaneho para makarating sa office ng walang hiyang yon.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng mga oras na yun.Gusto ko lang may mapaglabasan ng galit ko.


DARK'S POV

Sunod sunod na katok ang narinig ko na nagmumula sa labas ng office ko.Hindi ko na lang pinansin dahil marami pa akong ginagawang trabaho.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon