❤CHAPTER 7❤

8.5K 186 0
                                    

JIN AE POV.

Hindi maipinta ang mukha ko nang lumabas ako ng  banyo. Sino bang hindi maiinis kung ginising niya lang ako para dumalo sa isang  party?Really? Kailangan talagang istorbohin pati pagtulog ko?

Ayoko pa naman sa lahat ay 'yong ginigising ako kapag sobrang himbing ng tulog ko dahil nagpapahinga pa ako. Mas lalong sumama ang hilatsa ng mukha ko nang maalala kong ako ang date niya sa gabing ito.

Iisipin ko pa lang na siya ang kapartner ko ay kumukulo na ang dugo ko. Sino bang nagsabi na gusto ko siyang maging kapartner or should I say date? Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na makasama siya dahil alam ko sa sarili ko na sagad sa buto ang galit ko sa kanya. Marahas na dinampot ko ang gown na binili niya para sakin. Hindi naman talaga ako sasama kung hindi lang niya ako tinakot at pinilit.

Napangiwi pa ako nang makita ko ang itsura ng gown na napili niya. Seriously? Eto ang ipapasuot niya sakin? Mukha naman akong madre dito eh! Napapikit na lang ako sa sobrang inis at agad kong iginala ang mata ko sa buong kwarto at tsaka kinuha ang gunting na nasa ibabaw ng drawer. Ginupit ko iyon sa disenyong gusto ko.

Napangiti na lang ako sa naging resulta ng ginawa ko. Ginupit ko 'yun  para maging offshoulder at ginawang backless na long gown. Kahit paano ay nabawasan na ang pagkairita ko dahil sa ganda ng damit na isusuot ko.Mahilig kase ako sa damit kaya naman napapakalma ako nito kahit ilang sandali lang. Agad akong pumasok sa shower room at mabilis na isinuot ang long gown.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa aking sarili sa salamin. Kung hindi ko lang naisip na magkakaroon ako ng chance na makatakas ay hindi ako sasama sa kanya.

Pasalamat siya at gustung gusto ko ng lumaya sa mga kamay niya. Lumabas na rin ako tsaka sinuklay ng bahagya ang buhok ko. I want to be presentable. Naglagay na  lang din ako ng lipstick at lip gloss tsaka konting foundation.

Ayokong kapalan ang make up ko dahil ayokong magmukhang clown.Muntik ko nang mabitawan ang brush nang biglang bumukas ang pinto.

"Damn!"

"Tsk! Faster korean girl" Singhal niya sakin kaya naman inis na binitawan ko na lang ang brush bago marahas na dinampot ang pouch ko sa kama.

"Psh! can you plss shut up?"Mataray na sabi ko pero agad rin niya akong sinamaan ng tingin kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Sino bang may pakielam sa kanya? Bakit ako matatakot sa kanya?Tsk!

"I told you to stop talking to me like that " Seryosong sabi niya pero inirapan ko lang siya at nauna nang maglakad sa kanya. Nagmadali akong humakbang kahit na may kataasan ang takong ko kung kaya't hindi ko nakontrol ang sarili ko at nawalan ako ng balase. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko na ma yumapos sakin palapit dito.

Napalunok naman ako habang walang tigil sa pagkabog ang puso ko. Shit! I can smell his breathe. Ganun ba talaga siya kalapit sakin?

"Open your eyes korean girl"Nang marinig ko ang boses niya ay agad akong nagmulat ng mata habang nanlalaking nakatitig sa kanya. Wala sa sariling naitulak ko siya palayo sakin.

"Psh!Stupid" Masama ang tingin na singhal niya sakin.

"I'm not stupid !" Singhal ko rin sa kanya kaya naman matalim niya akong tinitigan. Nakita ko pang napahilot siya sa kanyang sentido habang nakapikit.Ano bang ginagawa ng isang ito?

"Damn! Let's go "Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin. Hindi ba siya marunong maging gentleman? Nasasaktan ako eh.

Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Wala siyang puso at wala siyang pakiealam kung masaktan man ako sa mga pinag-gagagawa niya.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon