CHAPTER 22

5.7K 149 0
                                    

JIN AE POV.

Napasimangot na lang ako habang nakaupo sa kama at pinanonood ang sabay sabay na paglipad ng ibon sa himpapawid. Hindi ko pa rin kase makalimutan ang nangyari nung nakaraang araw.

Hindi ko inakala na ex-girlfriend pala ni Demon si ate Sabrina. Syempre nagulat ako kase girlfried ni Kuya Eun Sun si ate Sab. Hindi ko lang talaga inexpect.

"Hayss! mas gusto ko pang kasama si kuya kaysa manatili dito!Malapit na akong tubuan ng ugat dito eh" Inis na tumayo na lamang ako sa kama bago nagpangalumbaba. Bigla na lang akong napapikit ng makaramdam ako ng pagkahilo. Kanina ko pa nararamdaman ito. Hindi ko alam kung bakit ba ako nahihilo.

Agad naman akong napatakbo sa banyo ng maramdaman kong nasusuka ako.

"Bwach---ack" Napakapit pa ako sa lababo dahil sa sobrang pagkahilo.

"Aissh!"Agad kong nasapo ang ulo ko.Pakiramdam ko ay pinupukpok iyon ng martilyo sa sobrang sakit.Pagod lang siguro ito.Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang bumalik sa kama. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina.

Humiga na lamang ako tsaka nagtalukbong ng kumot nang maramdaman kong gininaw ako. Nakapikit na ako noon ng marinig kong may nagbukas ng pinto. Unti unti ko ring narinig ang yabag niyang palapit sakin.

"Korean girl stand up" Utos niya ngunit hindi ko naman magawang imulat ang mata ko dahil nanghihina pa rin ako.

"I said stand up! " Hindi ko na lang pinansin ang pagtaas niya ng boses at nanatiling nakapikit. Nagulat na lang ako ng may magtanggal ng kumot na nakataklob sakin. Agad akong napangiwi at napayakap sa aking sarili.

"Aisssh!" Bigla akong gininaw sa sobrang lamig.

"Hindi ka ba talaga babangon dyan?"Iritadong singhal niya.

"Aisssh! H-hindi k-ko k-kaya" Nanghihinang sabi ko. Nilalamig na rin ako dahil kinuha niya pa ang kumot ko.

"Psh! huwag mo akong artehan korean girl"Inis akong nagmulat ng mata. Anong tingin niya sakin nag- iinarte? Bwisit! Nahihilo nga sabi ako eh!

"Fuck you! Hindi ako nag iinarte" Sa kabila ng panghihina ko ay nagawa ko pa rin siyang samaan ng tingin.

"Tss"

Naramdaman ko lang na may humablot sakin kaya agad akong napatayo.

"Hindi sakin uubra yang drama mo" Agad ko namang naramdaman na para bang biglang bumigat ang katawan ko. Mabuti na lamang at mabilis ang kamay niyang nahigit ako.

"Fuck!"Napapikit na lang ako sa sobrang pakahilo. Bakit ang lamig?Ang sakit talaga ng ulo ko. Ipinikit ko na lamang ang mata ko. Nanghihina na talaga ako.

DEVIL POV.

What the hell?

Bakit ang init ng temperatura niya?Kung hindi ko pa siya nahigit ay baka bumagsak na siya sa lapag. Binuhat ko na lang siya pabalik sa kama.

"Aissh! Ano na naman bang ginawa mo korean girl"Inis na sabi ko. Agad akong lumabas ng kwarto niya at agad na dumiretso sa kwarto ko at kinuha ang medical kit ko.

"Psh!" Nagmadali na akong pumunta kay korean girl. Mabuti na lang at may tubig na sa kwarto niya at hindi na ako maaabalang bumaba pa ng kusina para ikuha siya ng tubig.

"Korean girl uminom ka muna ng gamot"Sabi ko. Nilalagnat na kase siya. Nakita kong hirap siyang idilat ang mata niya kaya naman itinayo ko na lang siya at inalalayan ang kamay niya sa pag inom ng gamot.

Biglang  na lang nagsink in sa utak ko na kung ganito rin kaya niya ako inalagaan nung may sakit ako?

Agad kong ipinilig ang ulo ko. Ano ba itong iniisip ko! Akmang ihihiga ko na ulit siya ng bigla siyang mapakapit sa balikat ko.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon