❤CHAPTER 13❤

6.5K 145 0
                                    

HIS POV.

Nagising lang ako na masakit ang ilong ko. Agad akong nagmulat ng mata at napangunot ang noo. Nasan ako? Ang naaalala ko lang ay dinala ko si korean girl dito sa kwarto. Agad naman akong napangisi ng may marealize ako.

Kwarto ko ito na kasalukuyang kwarto niya. Agad akong napalingon ng may gumalaw sa gilid ko. Napangisi pa ako ng makita siyang mahimbing na natutulog. Napahawak naman ako sa ilong ko ng maramdaman ko pa ang pagsakit non.

"Psh! crazy woman!" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nawalan ng malay kagabi. Nang makarandam ako ng panlalagkit ay agad akong bumangon sa kama. Magshoshower na lang muna ako. Agad ko namang kinuha ko na lang ang nakasampay na towel bago tahimik na naglakad papasok sa loob ng shower room. Hindi ko na lang din  nilock ang pinto kaya medyo naka awang iyon. Tsaka wala namang papasok sa banyo maliban kay korean girl. Agad kong binuksan ang shower at pumwesto sa ilalim ng shower kaya naman naramdam ko na lang ang malamig na tubig na umaagos sa katawan ko.

Natigilan naman ako ng may marinig akong kung anong ingay. Parang may naglock ng pinto kaya agad akong napalingon sa pinto.Agad na bumagsak ang tingin  ko sa mayayaman niyang dibdib. Nakapikit pa siya at mukhang walang  kaalam alam. Agad naman akong napangisi. Mukhang tulog pa ang diwa niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang hinigit na ikinagulat niya.

JIN AE POV.

Agad akong napamulat ng may maiinit na bisig na humigit sa beywang ko. Agad na nanlaki ang mata ko ng makitang kong si Demon ang nakayapos sa beywang ko.

Anong ginagawa niya rito? At bakit nandito siya? The hell wala siyang kahit anong saplot. Pakiramdam ko ay nagkakasala ako.

"Hi baby" Malambing na sabi niya kaya agad akong nangilabot sa ibinulong niya. Tsaka ko lang naalala na wala na akong suot na damit. Nakabra na lang ako kaya naman agad ko siyang naitulak palayo sakin.

Manyak!

"L-lumayo ka nga"Nauutal na sabi ko.Napalunok na lang ako habang diretso ang matang nakatingin sa kanya. Hindi ko na ibinaba ang paningin ko dahil baka kung ano pa mahagip ng mata ko.

Thump thump thump

"Hmm..Bakit naman ako lalayo ? look before you enter baby"Nakangisi niyang sabi sakin. Napahawak naman ako sa dibdib ko nang bumilis ang pagpintig ng puso ko.Bakit pala ang pogi ng lalaking ito? Agad ko namang sinuway ang utak ko! Wala pa rin siyang puso dahil isa siyang demonyo.

"Eh sa hindi ko naman alam na
n-nandito ka at akala ko rin ay walang tao dahil nakaaawang ang pinto"
Naiinis na sabi ko. Ano siya sinuswerte na porket nandito siya sa shower ropm ay magpapakadesperada ako para lang--teka ano bang sinasabi ko? Tsaka kasalanan naman niya iyon. Hindi siya nagsasara ng pinto.

Humakbang naman siya palapit sakin kaya naman napakapit ako sa knob ng banyo.

"Nice baby, Cup C" Nakangising sabi niya pa kaya agad kong pinakita ang middle finger ko sa kanya habang matalim na nakatitig sa kanya.How dare him.

"I said don't go near me! Gusto mong m-masapak ulit ?"Nanginig ang boses ko dahil sa sobrang kaba. Hindi naman siya natinag at mas lumapit pa siya. Wala naman akong nagawa kundi ang umatras hanggang sa mapasandal na lamang sa hamba ng pintuan.

"Hmm?You forgot about my rule 'No one have the privilege to control me baby" Sabay kindat niya sakin.
Akmang mas lalapit pa siya ng itaaas ko ang kamao para sana suntukin siya ngunit agad niya lang din iyon nasalo at ikinulong sa palad niya.

"Arggh! Let go of my hand! Let me punch you"Matalim ko siyang tinitigan pero nanatili lang siyang nakangisi na parang asong nauulol.
Nang mas lalo pa siyang lumapit at tinuhod ko na lang siya dahil sa inis. Agad akong napaatras ag napatakip sa bibig ko.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon