CHAPTER 21

6.1K 128 2
                                    

JIN AE POV

Inis na sumakay ako sa kotse niya. Nakakainis naman kasi eh.

Saan ba kasi kami pupunta?

"Don't pout wife kung ayaw mong halikan kita," nakangising sabi niya kaya natigilan ako ng ilang sandali.

"Fuck the hell you! Don't you ever dare to kiss me again and to call me wife!" Galit na singhal ko sa kanya. Napahinto naman siya sa pagmamaneho at masama akong tinitigan.

"Don't shout at me korean girl!" maawtoridad na utos niya

"Then so? Sino ka ba para pakinggan ko?" unis na sabi ko sa kanya.

"Manahimik ka na nga lang dyan korean girl," sabi niya kaya hindi na lang ako sumagot at prente na lang na naupo sa back seat.

Wala na akong pakialam sa kanya

Nakakairita naman kasi. Halos wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta.

Buong byahe ay tahimik lang kami. Walang ni isang nagtangkang magsalita.

At sino bang gustong makipag usap sa isang demonyong tulad niya? Psh!

Namalayan ko na lang na huminto na kami sa isang mansion. Agad na napakunot ang noo ko.

Ano na namang ginagawa namin dito?

"Lumabas ka na dyan korean girl." Utos niya kaya napairap na lang ako.

Mabuti naman at hindi na niya ako tinatawag na wife.

Ang sakit sa tenga eh. Nakakadiri.

"Bilis-bilisan mong kumilos."Reklamo niya kaya inis na sumunod ako sa kanya papasok ng mansion.

Masyado siyang nagmamadali. Sarap niyang hampasin ng takong eh kingina niya.


"Manghintay ka naman kasi!" inis na sabi ko.

Kasalanan ko bang mabilis siyang maglakad? Edi sana all mahaba 'yung biyas. Kabwisit siya.

Hindi naman niya ako pinansin kaya sumunod lang ako sa kanya sa loob.

Nagulat na lang ako ng pagkapasok na pagkapasok namin ay inakbayan niya agad ako.

Anong trip niya?

"What the hell?! Bakit ka ba nang aakb--" Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko ng halikan na naman niya ako..

Holy Shit!

"Shut up wife."

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Akala ko pa naman ay hindi na niya ako tatawaging wife. Nakakainis!

"Fuck you! Sinabi ng huwag mo akong tawaging wife!" iritableng sabi ko sa kanya.

Hindi niya naman ako pinansin.

Konting konti na lang masasapak ko na siya. Nakakainis siya!

"Oh! Si Dark na ba yun?" Biglang tanong ng isang boses. Napaangat naman ako ng tingin at halos matuptop ko ang bibig ko ng makita ko sino yun.

"Oh yeah, si Dark na nga 'yan," nakangiting sagot ng isang lalaki.

Totoo ba ito? Si ate Sabrina ba talaga 'to? Kung ganun, ano naman ang dahilan at nandito siya?

Agad akong hinila ni Dark palapit sa kanila. Napansin ko rin na inoobserbahan ako ni ate Sabrina.

Siguro natatandaan niya pa ako kahit papaano. Well, its been two years since nang huli naming pagkikita.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon