Chapter 44

6K 110 0
                                    

Chapter 44

DARK'S POV.

Mabilis na nagsialisan kami sa sinakyan naming yacht.Mabuti na lang at may nahanap agad kami para ihatid kami sa isla.

That fucking man!Sobrang layo ng Isla na ito pero mabuti na lang at mabilis magpatakbo si Eun sun.Marunong pala siya magmaneho ng lahat ng uri ng sasakyan.

"Kit and klein,Sumunod kayo sakin,Shun at duke dun kayo dumaan sa may kaliwa.May mga nagbabantay rin doon na mga tauhan ni tanda. Dark, Seth doon kayo dumiretso sa may likod.Kami nang bahala sa mga tauhan sa unahan"Tinanguan ko na lang siya at sumunod naman sakin ni seth.Tulad nang sinabi niya ay dumiretso kami sa may likod.

May mga times na hihinto kami para magtago dahil may mga nag iikot ikot na mga tauhan. Hindi naman namin sila pwedeng basta na lang barilin dahil wala namang silencer ang baril namin.

Makakatunog ang iba at baka mabulilyaso pa ang plano. Agad kaming nakapasok ng hindi napapansin ng mga nagbabantay.

Nakasunod lang si seth sa likod ko at siya ang nagiging mata ko sa likod. Dire diretso lang kami sa pagpasok sa malawak na mansion ng matandang yun. Bigla na lang akong napahinto ng makita ko si Jin na hinila ni gab.

"Shit! Traydor!" Pinigilan ko naman si Seth. Kahit na gustung gusto ko nang patayin ngayon ang gab na yun dahil sa paraan ng pagtrato niya sa babaeng mahal ko ay hindi maaari.

"Huwag muna, Hindi tayo pwedeng gumawa ng maling hakbang" Huminahon naman siya. Nakuntento na lamang ako sa pagbibigay ng matatalim na titig sa kanya. I wish nakakapatay ang matatalim na titig nang sa ganun ay wala ng problema.

Napayukom na lang ako ng kamao habang pinapanuod kung paano niya tratuhin si jin. May suot lang naman itong colar at hila hila siya ni gab gamit ang kadena.

Mas nangitngit pa ang mga ngipin ko ng makita ang mga sugat at pasa ni jin sa katawan. Humanda talaga kayo oras na makahanap kami ng tiempo, ikaw ang uunahin ko! Wala kang karapatang ganyanin ang babaeng mahal ko.

"Dark, Huminahon ka lang" Huminga na lang ako ng malalim na hininga upang pigilan ang sarili kong makagawa ng mali.

I don't want the demons comes out to myself. Hindi pa pwede! Napapikit na lang ako ng itulak niya si jin. Kailangan kong kumalma.

"Jin, Hintayin mo ako. Babawiin kita sa demonyong yan!"


DUKE'S POV.

"Shit!Bakit hindi maubos ubos ang tauhan ng matandang yun?"Inis na sabi ni shun habang pinapaputukan ang mga tauhan ng ama amahan ni Ingrid.

Binaril ko lang din ang mga nakakasalubong naming mga men in black. Nakasilent naman ang baril namin kaya walang naririnig na putok.

"Psh!"Patuloy lang kami sa ginagawa namin hanggang sa makita na rin namin sila Eun Sun kasama ang mga kagang mates niya at ganun rin ang ginagawa nila.

"Sa tingin ko nakapasok na rin sila Dark"Komento ni Eun Sun. Tumango na lang din kami. Sinenyasan naman kami ni Eun sun na sumunod sa kanya.

"Pupunta tayo sa lugar kung saan gaganapin ang kasal, pero kailangan muna nating makita sila dark" Tumango lang ulit kami at sumunod sa kanya.

Nakabantay naman kami kung sakaling may kalaban na darating. Hindi kami pwedeng mabigo rito. Buhay ng kapatid ko ang nakasalalay rito.

Patuloy lang kami sa paglalakad. Napakalaki pala ng mansion.Biglang huminto si Eun Sun kaya napahinto rin kami.

"Dark anong nangyari?"Biglang tanong ni Shun sa kanya. Tumingin lang naman samin si Dark na matatalim ang titig. Hindi rin nakaligtas samin ang nakayukom niyang kamao at ang itim na aura na bumabalot sa kanya ngayon. Mukhang ginalit nila ang demonyo.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon