CHAPTER 10

7.2K 166 1
                                    

   

JIN AE POV

Napanganga naman ako ng makita kong lumabas na siya ng kwarto ng hindi lumilingon.

Napairap pa ako sa hangin. Nakapa-antipatiko talaga ng lalaking iyon. Hindi man lang nag ' Thank you'

Napabuntong hininga na lang ako at hinilot ang sentido ko. Ano pa bang aasahan ko? Sa katulad niyang demonyo, sa katulad niyang walang pikiealam kung makasakit ng tao at walang puso.

I don't think so na nasa vocabulary niya ang salitang ' Sorry'. Takot niya lang na matapakan ang pride niya. Tsk!

Inis na tumingala ako sa kisame. Naiinis talaga ako.

Dapat pala talaga ay  tumakas na ako kagabi. Kung bakit ba kasi nagpaka' Hero' pa ako sa kanya. Kung hindi lang talaga ako inatake ng sakit kong pagiging maawain ay baka nakatakas na ko sa impyernong ito.

God knows how much I want to get out of here! This is hell.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang init ng dugo niya sakin. Ni wala nga akong maalalang nagkaroon ako ng atraso sa kanya. Hindi ko talaga siya maintindihan.

May sapak na ata 'yon, eh.

Haysst! Ewan. Inayos ko na lang 'yong higaan ko dahil medyo nagulo.

Psh! Ang likot niya siguro matulog. Agad naman akong napatigil ng marinig kong mag ring ang phone ko. Kinuha ko naman iyon at agad na nangunot ang noo ko nang may matanggap akong text.

It's from my bestfriend.

Where are you girl? You're brother here and he was so worried. And he's so irritating! He's disturbing me. Are you sure you're in vacation, jin?

Agad kong natuptop ang bibig ko habang nanginginig ang kamay na hawak ang cellphone ko.

Don't tell me, alam ni kuya? Akmang magtitipa na ako ng salita ng may biglang humablot ng cellphone ko. Agad na nanlaki ang mata ko.

"No phone, no text, no call. you're not allowed to used your phone." Nalaglag naman ang panga ko bago ako natauhan. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Wow! Just wow. Kung makapagsalita ka naman d'yan, parang ikaw ang may hawak ng buhay ko, ah?" Sarkastikong sabi ko. Nanatili naman walang emosyong ang mga mata niya.

Napairap na lang ako at akmang aagawin ang phone ko ng mas lalo niya lang 'yong itaas. Pinandilatan ko naman siya dahil sa inis.

"Argh! Ano ba? Hindi ko naman sasabihin kung nasan ako!" Inis na sabi ko pero hindi naman siya nakinig. Tinangal  niya pa ang battery ng cellphone ko at basta na lang itinapon sa kung saan. Napanganga naman ako.

What the hell?

"The fuck! Argh! Bakit mo ginawa yun?" Inis na tanong ko na halos maiyak na ako.

Paano na ako ngayon? Wala na akong magagamit na phone para hindi na ako mabagot sa bwisit na impyernong 'to! Nakakaasar!

"Tss. Kahit hindi mo sabihin ay pwede ka pa rin nilang mahanap by using a tracking device." Walang emosyong sabi niya kaya mas lalo akong nairita.

"Gago ka ba?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at kinwelyuhan ko pa siya.

"Kung balak kong tumakas, sana kagabi ko pa ginawa. Kung hindi ka naman tanga ay baka maisip mong baka wala na ako dito sa harap mo" Galit na singhal ko sa kanya

"Don't talk to me like---"

"Fuck you! You bring me in this hell. Iyon na nga lang ang bagay na nagpapasaya sa akin ay kinuha mo pa? Bakit ba ang unfair mo?" Naiiyak na sabi ko. Nakita ko naman na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon