CHAPTER 39

4.8K 118 0
                                    

"Mommy san po kayo pupunta?Bakit niyo po kasama si Ingrid?"Tanong ng isang batang lalaki habang may luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

"Aalis na kami dito anak,Kailangan kong gawin ito dahil ito ang tama"Umiling iling naman ang bata na animoy ayaw niyang umalis ang kanyang ina.

"Pero bakit po?Pwede naman pong dito na lang kayo eh.Tsaka hindi ko po kayang mawala kayo.Mamimiss ko po si Ingrid.Mommy,please wag po"Patuloy pa rin sa pag iyak ang bata.Sinabayan na rin ito ng nakababata niyang kapatid na si Ingrid na magsasampung taong gulang na.

"Mama,wag na po tayong umalis"Iyak pa rin nito.Tinanggal naman ng ginang ang pagkakahawak ng batang lalaki sa kanyang damit.

"Hindi pwede.Bumalik ka na dun Duke sa daddy mo.Please baby,Hindi talaga pwede"Umiiyak na rin ito.

"Ayaw!Wag kayong umalis mommy.Please.Dito lang kayo.Ingrid wag mong iwan si kuya mo"

"Ayaw!Ayaw iwan kuya.Mama"At tumakbo ito palapit sa kanyang kuya at niyakap ito ng mahigpit.

"No baby,Kailangan na nating umalis."Pilit na hinihila ng ginang ang kanyang anak na babae ngunit mahigpit lamang ito nakayakap sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki.

"Duke!Bitawan mo na si Ingrid"Suway sa kanya ng kanyang ama.Naluluhang umiling lamang ito.

"Pero daddy--Iiwan nila tayo"

"Hayaan mo na silang umalis anak"Walang emosyong sabi nito.Wala sa sariling napabitaw na lamang ito dahil sa takot.

"Kuya"Agad na hinila ng ginang si Ingrid palayo sa dalawa.Iyak lang ito ng iyak.

"Mama!Ayoko po.Ayoko pong umalis.Balikan natin si kuya.Please!Mama"Iyak nito ngunit hindi man lang siya pinakinggan ng kanyang ina.

Tuloy tuloy lang ito hanggang sa makapasok ng kotse.Wala ng nagawa ang bata kundi ang umiyak na lamang dahil kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya pakikinggan ng kanya ina.

Nagmaneho na ang ginang upang pumunta sa bahay ng dati nitong kinakasama.Kailangan niyang bumalik roon dahil kung hindi ay mapapahamak ang mag ama niya.

"I hate you mama,Ayoko na sayo.Bad ka.Baddd"Pinaghahampas na siya ni Ingrid kaya naman nawala ang focus nito sa daan.

"Stop it Baby,baka mabangga tayo"

"Ayaw,ayaw,ayaw ko sayo.Bad ka.Di kita mama, Hindi ikaw ang mama ko. Sama sama mo! Ayoko sayo!*Sob* Ayoko na sayo"Sa paghampas ulit ng bata ay tumama ito sa manibela kaya naman nawalan sila ng preno.

"Oh my ghod"Huli na para bawiin ng babae ang preno ng may sumalubong sa kanilang malaking truck.

-
Nakatitig lang ang kanyang ina sa anak niyang three days ng coma matapos ang aksidente.Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nangyari sa anak niya ang ganito.Naiiyak na lang siya habang nakatitig ito sa batang mahimbing na natutulog.

Biglang pumasok ang doctor na tumitingin sa kanyang anak at sinabi sa kanya ang naging resulta ng test.Iyak lang siya ng iyak habang humihingi ng tawad kay Ingrid.

Halos manlamig siya ng magmulat ng mata ang bata at mukhang naguguluhan kung nasaan siya.

Agad niya itong niyakap dahil sa wakas ay nagising na rin ito.Ngunit parang may tumusok na kutsilyo sa kanyang puso ng magtanong ito.

"Nasan po ako?At sino po kayo?"

Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya habang umiiyak na nakatitig sa mukha ng kanyang anak.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon