CHAPTER 25

5.8K 144 0
                                    

JIN AE POV.

Napabuntong hininga na lang ako.Bakit kaya ang tagal niyang dumating?Nasan ba siya?Uuwi pa kaya siya?

Napapilig na lang ako ng ulo ko.Bakit ganun?Bakit ko siya hinahanap?

Weird.

Nakaramdaman na naman ako ng pagkahilo.Aish! Kainis naman.

Hindi na nga ako makakilos ng maayos tas ganito pa yung pakiramdam ko. kusa akong napaupo sa kama ko. Hindi ko na kase magawang lumabas pa ng kwarto dahil pakiramdam ko sa tuwing ihahakbang ko ang mga paa ko ay umiikot ang paligid ko.

Bigla akong nakaramdam ng gutom.Napabuntong hininga na lang ako.Hindi nga ako makatayo eh.Pano ako kakain nito?

Tsk, Ano ba kaseng nangyayari sakin?

Bigla akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko ng bumukas iyon. Nakita  ko lang dun si Knight na may dalang tray ng pagkain habang nakangiting nakatingin sa kin.

"Bakit ka nakangiti dyan?Para kang asong nauulol."Inis na sabi ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay bigla na lang kumulo ang dugo ko ng dumating siya.

"Eto naman ang sungit,ngayon na nga lang kita dinalaw magsusungit ka pa"Reklamo niya.Napairap na lang ako at napataas ng kilay sa narinig ko.

"Sino bang nagsabing pumunta ka dito? Tapos ngayon ay magrereklmak ka?"Inis na sabi ko.Nakita ko namang  humakbang siya palapit sakin. Nanatili lang akong nakaupo sa kama dahil nanghihina pa rin ako.  Nang mailapag niya ang tray ng pagkain ay huminto siya sa harap ko.

"Lumayo ka nga pwede,ang baho ng pabango mo" Napangiwi pa ako at agad akong napatakip ng ilong ko.Ewan, basta ko na lang naamoy na mabaho yung pabango niya.Geez! Umiikot yung paningin ko.

"Luh?Anong mabaho? Mabango kaya ang pabango ko" Takang sabi niya pa. Umikot lang ang bilog sa mata ko.

"Che! Basta lumayo ka,ang sakit sa ilong!Nahihilo ako"Nakita ko ang pag ngisi niya sa sinabi ko at iniangat ang baba ko.

"Teka nga,nakakapagtaka lang"Kumunot naman ako.Anong nakakapagtaka ang sinasabi ng kumag na to?

"Huh?"Bigla kong sabi.Bigla siya ngumisi at mas lalong nilapit ang mukha niya sakin.

"Ano ba Knight! Sinabi ng layo.Nahihilo ako sa amoy ng pabango mo"Umiikot na talaga yung paningin ko.

"Umamin ka nga sakin jin"Tinasaan ko lang siya ng kilay.

"Ano namang aaminin ko  sayo?"Mataray na tanong ko na may halong inis. Napapapikit na lang ako sa sobrang pagkahilo.Bakit kase ganun yung amoy nun?Hindi matanggap ng ilong ko tas nakakahilo pa.

"Virgin ka pa ba?"Halos manlaki ang mata ko at nag iwas ng tingin.

*Shit*

Bakit ba tinatanong niya sakin ang bagay na yan?Sa dinami-rami ng pwedeng itanong ay iyon pa talaga.Anong isasagot ko? Baka kase magbago yung tingin niya sakin eh.

"Bakit ka umiiwas ng tingin sa kin jin?"Sumeryoso naman ang tono ng boses niya.

"A-ano kase,bakit ba yan yung tanong?Pwede bang iba na--"

"Hindi mo masagot dahil wala na"Para naman akong natigilan. Naramdaman ko na lang na tumulo na naman yung luha ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na isinuko ko lang sa isang demonyo ang iniingatan ko.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin at tinap ang likuran ko.

"Sssh..Its okay jin,Hindi naman magbabago yung tingin ko sayo,I think hindi mo lang alam yung ginagawa mo nun"Tama si knight.Hindi ko naman talaga alam.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon