Chapter 42

4.7K 106 2
                                    

Chapter 42

JIN'S POV.

Nagising ang diwa ko sa malamig na bagay na bumalot sa katawan ko. Mabibigat ang talukap na nagmulat ako ng mata.Kumunot lang ang noo ko ng mabungaran ko ang madilim na silid.

Nasan ako?

Agad naman na nanuot sa ilong ko ang masangsang na amoy. Bigla akong nanlamig at ramdam kong pinagpawisan ang palad ko.

Biglang kumabog ang puso ko ng makarinig ng  yapak na palapit sakin. Plano ko sanang lingunin kung sino man iyon ngunit napangiwi lang ako ng makaramdam ng hapdi sa leeg ko.

"At last, gising ka na rin."Nanatili lang ako sa pwesto ko.Gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero wala akong magawa.Naramdaman ko ang kadena na nakapulupot sa magkabila kong kamay maging sa paa.Nagmistula akong hayop sa paraan ng pagkakagapos nila. Pakiramdam ko nararanasan ko na naman ang ginawa sakin noon ni Dark.Ang tratuhing parang basura. Bigla na lang may tumulong luha mula sa aking mata. Nararamdaman ko na naman ang takot na matagal ko ng ibinaon sa limot.

Simula ng mangyari iyon,Hindi na ako nakakaramdam ng takot sa dilim.Hindi ko na naiisip na nag iisa ako pero ngayon, bumabalik na naman ang takot kong iyon.

"S-sino ka?"Nanginginig ang boses kong tanong sa lalaking nakatayo di kalayuan sa pwesto ko.Pakiramdam ko ay nahihirapan na akong huminga dahil naninikip na ang dibdib ko. Kahit nasa dilim siya ay kita ko pa rin ang malademonyo niyang ngisi na mas lalong dumagdag sa kaba ko.

"Hmmm?Kamusta kana Jin?"Biglang binundol ng kaba at pangamba ang puso ko.Pakiramdam ko ay mas nahirapan pa akong makalanghap ng hangin. Naiiyak na rin ako.

"K-knight?"Garagal na tanong ko.Hindi man ako sigurado pero tanda ko pa rin ang boses niya.Tandang tanda ko ang boses ng taong ito na pinagkatiwalaan ko ngunit sinira binigo lamang ako.

Tuluyan na siyang  nakalapit sakit at hindi niya inalis ang malademonyo ngisi sa kanyang labi.Nakatitig lang siya sakin na para bang pinapatay ako ng pailalim.

"I'm glad that you're still remember me baby"Nakangiting turan niya ngunit iba naman ang nakikita ko sa mga mata niya.Matatalim ang titig niya na wariy handa ng pumatay.

Hindi ako umimik sa sinabi niya.Natatakot ako na baka saktan niya ako.Ayokong saktan niya ako dahil may laman na ang tiyan ko.Ayokong pati si baby mapahamak dahil sa demonyong nandito ngayon.

"Ang tahimik mo ata?Bakit ayaw mong magsalita baby?Come on,talk to me"Sabi pa niya.Napalunok na lang ako.Naramdaman ko rin na mas lalong pinagpawisan ang palad ko.Wala na ring tigil sa pagtibok itong puso ko.

"N-nasan a-ako?A-anong--gina--g-gawa ko dito?"Nauutal na sabi ko.Hindi ko nga alam kung naintindihan niya ang sinabi ko dahil sa putol putol iyon.

Narinig ko pa ang malamyos niyang tinig na nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot. Ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko. May hinugot naman siya sa bulsa niya at halos malagutan ako ng hininga ng makita ang inilabas niyang kutsilyo doon. Sunud sunod ang luhang tumulo mula sa mata ko. Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Nagsimula na siyang humakbang palapit sakin.

"A-anong gagawin mo?" Nahihintakutang tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya at nasaktan ako ng pabalang niyang iangat ang mukha ko. Pakiramdam ko bumaon ang kuko niya sa pisngi ko.

"Alam mo ba kung anong naramdaman ko ng mas pinili mo si dark kaysa sakin?"Matalim ang matang tanong niya. Napailing naman ako. Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang luha ko. Natatakot ako sa uri ng pagtitig niya sakin. Halos kilabutan ako ng maramdaman ko na pinagapang niya ang kutsilyo sa braso ko paakyat sa leeg ko.

Ramdam ko ang talim ng bagay na iyon at natatakot ako na baka bigla na lang niya iyong ibaon sa leeg ko o baka naman gamitin niya para saktan ako.

"Jin,yes, I'm looks like a demon and didn't seem affected to your decision but the truth is....sobra akong nasaktan sa ginawa mo! You're mine baby! Only mine!at handa akong pumatay maging akin ka lang.Handa kong patayin si Dark makasal lang tayong dalawa jin,Mahal na mahal kase kita"

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon