CHAPTER 37

5.2K 121 0
                                    


SHUN'S POV.

Napayukom na lang ako ng kamao habang pinagmamasdan ko ang isang anghel na mahimbing na natutulog.

"Kumalma ka lang shun,Magiging ayos lang siya"Pagpapakalma sakin ni duke.

"Oo nga,Kalma lang" Napapikit na lang ako at nakailang bumuntong hininga na rin ako. Kahit papaano ay kumalma na rin ako.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang nandilim ang aura ko kanina. Kahit mukha akong kalmado ay nagpupuyos naman sa galit ang puso ko. Hindi ko pala kayang makita siyang nahihirapan.Nararamdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam na ito. Fuck! Hindi ko pwedeng maramdaman ito towards her dahil may nagmamay ari na ng puso niya. Kapag hindi ko pinigilan ang sarili kong tuluyang mahulog sa kanya, Sa huli walang sasalo sakin at ako lang ang masasaktan.
Agad naman akong napalingon sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si doktora. Diretso siyang naglakad sa kinaroroonan namin at seryosong tumingin samin.

"Uhm, Kayo ba ang kamag anak ng pasyenteng si Jin Ae?"Tanong ni doktora.

"Hindi po doktora, Boyfriend niya lang po ako"Napapikit na lang ako ng sabihin ko yun.Sana nga totoo na lang na akin siya.

"Oh, Its okay, well base sa test na isinagawa namin sa kanya.Ang pananakit ng kanyang tiyan lately is cause of too much stress. Nakaapekto iyon sa kanya lalo pa't buntis siya. I advice that she need to reduce her stress para naman hindi na ito maulit pa. Muntik na kaseng malaglag ang baby niya but thankfully na malakas ang kapit ni baby. Please take care of your girlfriend. That's all, I have to go" Tumango na lang kami kay doktora.Nilingon ko namang muli si Jin at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi.

Napakaganda talaga niya.

"Dude,Nakakahalata na kami sayo"

"Yeah,Ganyan na ganyan ka dati kay Lorrein"Natigilan naman ako at napayukom ng kamao.

"Pwede ba! wag na wag niyong mabanggit banggit sakin ang walang kwentang babaeng yun"Pagalit na singhal ko. Mga walanghiya! Bakit pinaalala pa nila sakin ang babaeng unang sumira ng tiwala ko? Bakit kailangan pa nilang ipaalala ulit sakin ang mga panahong sinayang ko sa walang kwentang taong yun.

"Dude,Sinasabi lang namin.Baka masaktan ka na naman"  -Seth.

Huminga naman ako ng malalim bago pinakawalan ang pisngi ni jin. Hinarap ko sila na seryosong nakatingin sakin.

"Alam ko ang ginagawa ko okay?"

"Pero Shun...kilala ka namin. Mabilis kang mainlove lalo na kapag nakikita mong kailangan ng isang tao ang tulong mo" -Gab.

"Sinabi ng tama na eh! Ayoko ng maalala ang katangahan ko noon sa isang babae. Kung inaalala niyo ako na baka mainlove na naman ako. Sige aaminin ko na unti unti ng nahuhulog ang loob ko kay jin pero hanggang dun lang yun. Nilagyan ko na ng harang ang nararamdaman ko dahil alam ko naman na may iba ng nag mamay ari ng  kanyang puso. Kaya matatalo pa rin ako, Mas mabuti ng pigilan ang nararamdam ko kaysa naman masaktan ako"Natigilan naman sila at hindi na umimik pa. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang inuungkat ang nakaraang ibinaon ko na sa limot.

"We're sorry dude, Hindi naman namin alam" Hinging paumanhin ni Duke. Napabuntong hininga na lang ako.

"Wala yun Duke, Ayos lang" Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na buntong hininga. Kailangan ko munang mapag isa. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Kailangan kong makapag isip isip. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang ihandle yung namumuo sa loob ko. Baka bigla na lang akong sumabog kapag hindi pa ako kumilos.

DUKE'S POV.

Nagkatinginan lang kami nila Seth nang lumabas si shun ng kwarto. Alam naman naming kailangan niya lang mapag isa ngayon dahil kitang kita naman namin kanina na nagpipigil lang siya ng galit niya.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon