Chapter 36: His Side

5.4K 123 1
                                    


Agad na yumukom ang kamao ko nang hawakan ni Knight si Baby Ae at marahas na hinila palayo sakin.  Fvck Shit! Hindi! Hindi pwede ito.

Mapapatay ko talaga ang matandang yun! Damn! Sinamaan ko lang ng tingin si knight habang hawak niya sa braso si jin na nagpupumiglas sa pagkakahawak niya.

Akmang lalapitan ko na sila ng may humawak sakin mga nakaitim na lalaki. Holy shit!Mga tauhan ito ng daddy ni Jin.

"Bitawan niyo ko mga g@go!"Galit na singhal ko ngunit hindi naman nila ako pinakinggan at mas lalo pa akong hinawakan ng mahigpit upang hindi na ako makapanlaban pa.

"Bullshit" Hindi ko hahayaan na ilayo nila sakin si Jin.  Nagpumilit pa rin  akong makawala sa pagkakahawak nila at  malaks na sinuntok ang lalaking nakahawak sakin. Walang sinuman ang maaaring manakit sa kanya.

"Damn! Bitawan niyo ko! Ano ba! Bitaw sabi eh!" Pilit kong nilalabanan ang lahat ng mga umaatake sakin habang hawak pa rin nila ako sa braso.

Bakit ba hindi na lang nila ako hayaan? Bakit ba hindi na lang nila kaming hayaang magsama? Shit!Shit!Nakakainis.

"Hindi ka namin maaaring pakawalan dahil kami naman ang malalagot kay boss kapag nagkataon"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at buong lakas kong nilaban ang lahat ng taong sinusubukan akong pigilan.Wala na rin akong pakielam kahit na duguan na ako at nanghihina. Masyado sila marami pero hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ako pwedeng sumuko para sa babaeng mahal ko.

"Matigas ka talaga" Napangisi na lang ako at akmang susuntukin siya ng may makaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko kaya naman napaluhod na lang ako sa sobrang pagkamanhid ng katawan ko. Biglang sumikip ang dibdib ko habang nakikita kong unti unting umaalis ang sasakyan ng hayop kong kaibigan. Pakiramdam ko ay libo libong karayom ang tumarak sa puso ko ng makitang umiiyak ang wifey ko habang nakatingin sa akin.

Gusto kong tumakbo palapit sa kanya. Gusto ko silang pigilan pero wala akong magawa. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng panghihina. Ngayon lang ako walang nagawa para sa babaeng mahal ko. Fuck shit!I'm worthless!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha dahil sa sobrang panghihina at sakit. Bakit kailangan  pa siyang kunin sakin? Ang daming tanong sa isip ko ngunit wala naman akong mahanap na sagot.

"Kakausapin ka raw ni boss" Sabi ng isang tauhan ng matanda. Tiningnan ko lang siya habang hawak ang isang telepono.

"Mukha bang kaya ko yang hawakan?" Sarkastiko kong saad. Mukhang nakuha naman niya ang sinabi ko kaya agad niyang inilapit sa tenga ko ang telepono.

"Dark? Ikaw na ba yan?" Agad naman na yumukom ang kamao ko nang marinig ko ang boses niya. Makawala lang talaga ako rito ay hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.

"Fuck you--Ack" Bigla na lang akong napaubo ng may sumipa sa likod ko. Peste! Ang sakit!

"Umayos ka"Napatiim bagang na lang ako habang nagpipigil ng galit.

"Oh, kamusta na? We have a deal right? At sinabi mong tutupad ka roon" Mas lalong nagdilim ang aura ko. Bullshit!That fucking deal. Matagal ko nang kinalimutan iyon.

"Fuckshit! Matagal na ang deal na yun tanda. Bakit ba hindi ka maka move on?"Singhal ko.

"Oh dark... bakit mo sinasabi sakin yan? huwag mong sabihing minahal mo na ang anak ko? Akala ko ba sasaktan mo siya? Akala ko ba gusto mong maghiganti sa kanya? Kaya nga tayo nagkaroon ng kasunduan noon dahil gaya ng sabi mo ay mukhang mahal na mahal ka na nang anak ko kaya naman kapag nasaktan siya ay babalik na siya sakin at matutuloy na rin ang plano kong maipakasal siya" Mas lalo pa akong napayukom ng kamao.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon