❤CHAPTER 5.

9.3K 211 0
                                    


JIN AE POV

Napamulat ako ng mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa gilid ng pisngi ko. Naramdaman ko ang init non sa balat ko kaya naman agad akong napabangon sa kinahihigaan ko.

Iginala ko pa ang mata ko at puno ng pag-asa ang aking puso na nakalaya na ako sa lugar na tinatakasan ko.Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at hindi niya pinakinggan ang hiling ko. Wala namang nagbago.Nandito pa rin ako at nananatiling nakakulong sa impyernong ito.

Naipikit ko na lamang ang aking mga mata habang may kaunting butil ng luha ang tumulo mula sa aking mga mata.

Sana naman isang araw, sa muling pagmulat ng aking mga mata ay hindi na ito ang una kong makikita. Sana naman sa muling paggising ko ay tuluyan ko ng nakamit ang kalayaang ninanais ko. Sana naman isang araw hindi na ako nakakaramdam ng matinding takot.

Napabuntong hininga na lang ako at ini-unat ang aking mga braso.Nangunot pa ang noo ko ng maigalaw ko iyon ng walang kahirap hirap. Agad akong napatingin sa braso ko at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong walang anumang tali o gapos ang braso ko.

Tinaggal ba niya ang posas?

Mas lalong nagsalubong ng kilay ko. Napakaraming tanong sa aking isipan ang gusto kong mabigyang linaw. Bakit naman niya tatanggalin ang posas ko kung alam naman niyang gustong-gusto kong tumakas sa kamay niya? Hindi naman sa gusto kong nakaposas but I'm just confused.

Bakit? Anong dahilan niya?

Inis na naupo ako sa malambot na kama dahil buong araw na akong nakahiga.Mas lalo ko lang nararamdaman na wala akong kalayaan kapag wala akong ibang magawa. Gusto kong lumabas para tingnan ang pagsikat ng araw at maging ang paglubog no'n. Gusto kong pagmasdan ang magagandang bagay na narito sa mansion dahil gusto kong maramdaman na may karamay ako. Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa sobrang inis.

"Argh! Nakakainis" Wala man lang bang naghahanap sakin? Ganun ba talaga ako kawalang halaga para sa kanila at balewala lang sa kanila na nawawala ako?

Nakalimutan mo ba? Ikaw ang nagsabi na nasa bakasyon ka.Mabilis kong nasapo ang sentido ko habang nagpipigil ng galit. Oo nga't sinabi ko iyon pero hindi pa rin nila ako hinahanap. Ganun nga lang siguro ang katayuan ko sa buhay. Maging isang laruan at alipin nila. Na dapat sundin ang lahat ng ipag-uutos nila.
Bagsak ang balikat na naglakad-lakad ako dahil naiinip na talaga ako dito sa loob.

Inilibot ko pa ang paningin ko,nagbabakasakaling may makita akong makakakuha ng atensyon ko.
Napahinto na lang ako nang mapadako ang tingin ko sa pintuan.

*LUNOK*

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba tong iniisip ko?Tatakas ba ako? Agad akong nabuhayan ng pag-asa ngunit agad din namang naglaho nang maalala kong bantay sarado ako sa loob man o labas ng silid na ito.

Pero hindi ko itatangi na umaasa akong iiwan niyang nakabukas at walang lock ang pinto. Humugot na lang ako ng malalim na buntong hininga bago marahan na humakbang palapit sa pintuan. Halos pigilin ko ang paghinga ko ng hawakan ko ang door knob. Ipinikit ko na lamang ang aking mata habang marahan lamang na pinihit iyon. Halos umaawang ang labi ko at napaatras pa ako dahil sa pagkagulat.

Shit! Hindi nakalock!

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.Sa pag-aasam na makalaya ay wala na ako inaksayang oras at dahan dahang lumabas ng kwarto ko.

Magaan lang ang naging hakbang ko.Dinig na dinig ko ang pagkabog ng puso ko. Sobra akong kinakabahan habang unti unti akong napapalayo sa kulungan ko

Paano kung may makapansin na wala ako sa kwarto ko?

Luminga linga pa ako at nakita ko sa malayo ang veranda ng mansion. Agad na may sumikdong kaba at pag-aalinlangan sa aking puso.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon