CHAPTER 15

6.3K 131 4
                                    

JIN AE POV

Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa matigas na semento. Hanggang ngayon ay mahapdi pa rin ang aking mata.

Agad akong napadaing ng sumakit ang likod ko. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa malamig na sahig na hinihigaan ko. Hindi rin ako mapalagay kaya iyak lang ako ng iyak.

Kung ituring niya ako ay para bang isa lang akong hayop na pwede niyang patulugin kung saan. Agad akong napapikit ng makaramdam ng hilo.


Ang sakit ng ulo ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaiyak at dahil sa lamig ng sahig. Pakiramdam ko ang lamig lamig ng paligid.Hinang hina rin ako.

Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto at pumasok doon ang demonyo na may dalang pagkain. Nakatingin lang ako sa kanya habang palapit siya sakin.

Inilapag niya sa karton ang tray tsaka sumandok doon ng katamtamang dami ng kanin at ulam bago itinapat sa bibig ko.


"Eat." Utos niya pero hindi ko kayang ibuka ang bibig ko. Wala akong ganang kumain at pakiramdam ko pa ay nasusuka ako.

"I said eat," madiing bigkas niya pero umiling lang ako. Sinamaan naman niya ako ng tingin at nagulat na lang ako ng pisilin niya ang panga ko kaya napanganga at basta na lang niyang isinubo ang pagkain sakin.

Halos mabulunan ako sa biglaan niyang pagsubo ng pagkain. I felt something weird na gumuhit sa lalamunan ko. Nakaramdam rin ako ng pangangati. Damn!

"Tss! Eat again and don't you dare to refuse. Huwag kang maarte." Walang emosyon niya akong tinitigan bago itinapat muli ang kutsarang may lamang kanin at sinigang na hipon.


Agad na nag init ang paligid ng leeg ko at nahihirapan na rin ako huminga. Napahawak na rin ako sa dibdib ko dahil unti unti ng sumisikip ang paghinga ko.

"What are you acting for? Stop pretending that you in sic---bakit namamaga ang leeg mo?" biglang tanong niya.

"What the--are you okay?" tanong niya pa. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"I-I c-can't b-breathe," nanghihinang sabi ko.

Bakit pakiramdam ko may mainit na lumulukob sa paligid ng leeg ko?


"Oh shit! What's wrong with you!"

"I c-cant b-b-bre-eat-th-e." Agad na nanlabo ang paningin ko nang maramdaman kong  kinakapos  na ako hangin. Mariin ko na lang na ipinikit ang mata ko.

Ano bang nangyayari sa'kin? What's wrong with me?

Bakit ngayon pa ako nanghina? Bakit ngayon pa ako nakaramdam ng ganito?


"Shit! Stay here and don't you dare to escape," nagmamadaling sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

Nanghihina na nga ako tapos tatakas pa ako? Ni hindi ko na nga magawang maidilat ang mga mata ko.

"Where she is?" Narinig ko ang boses ng isang lalaki. Hindi ko nakita ang pagpasok nila dahil nakapikit ako.


Wala rin akong balak na magmulat ng mata dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang panghihina ko.

"What the fuck bro! Bakit 'yan nakagapos?" Biglang sigaw ng hindi pamilyar na boses.

"She tried to go away,"

"Eh bakit nakakulong 'yan dito at nakagapos pa? Bro naman! Tao 'yan hindi yan hayop!"Halata sa boses nito ang pagkairita. Naramdaman kong may sumipat sa aking leeg maging sa noo ko.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon