❤CHAPTER 10❤

6.7K 132 2
                                    

 
                             🌹🌹🌹

JIN AE POV

Napanganga naman ako ng makita kong lumabas na siya ng kwarto ng hindi lumilingon.

Napairap pa ako sa hangin. Nakapa-antipatiko talaga ng lalaking iyon. Hindi man lang nag ' Thank you'

Napabuntong hininga na lang ako at hinilot ang sentido ko. Ano pa bang aasahan ko? Sa katulad niyang demonyo, sa katulad niyang walang pakiealam kung makasakit ng tao at walang puso.

I don't think so na nasa vocabulary niya ang salitang ' Sorry'. Takot niya lang na matapakan ang pride niya. Tsk!

Inis na tumingala ako sa kisame. Naiinis talaga ako.

Dapat pala talaga ay  tumakas na ako kagabi. Kung bakit ba kasi nagpaka' Hero' pa ako sa kanya. Kung hindi lang talaga ako inatake ng sakit kong pagiging maawain ay baka nakatakas na ko sa impyernong ito.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatanaw sa pinto.

Bakit nga ba hindi pa ako tumakas kagabi? Hindi ba dapat ay kinuha ko na ang chance na iyon para makaalis pero anong ginawa ko? Nanatili ako sa tabi ng isang demonyo.

God knows how much I want to get out of here! This is hell.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang init ng dugo niya sakin. Ni wala nga akong maalalang nagkaroon ako ng atraso sa kanya. Hindi ko talaga siya maintindihan.

May sapak na ata 'yon, eh.

Napahilot na lang ako sa sentido ko ng marinig kong tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Nangunot lang ang noo ko ng may matanggap akong message mula don.

Where are you girl? Miss na miss kita. Matagal ka pa ba dyan?

Napangiti na lang ako ng mapait pagkatapos kong mabasa ang message sakin ni Yun Hee. Akmang magrereply ako nang may humablot ng cellphone ko.

"No phone, no text, no call. you're not allowed to used your phone." Nalaglag naman ang panga ko bago ako natauhan. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Bakit ba ang pakielamero niya masyado?

"Wow! Just wow. Kung makapagsalita ka naman d'yan, parang ikaw ang may hawak ng buhay ko, ah?" Sarkastikong sabi ko. Nanatili naman walang emosyong ang mga mata niya.

Napairap na lang ako at akmang aagawin ang phone ko ng mas lalo niya lang 'yong itaas. Pinandilatan ko naman siya dahil sa inis.

"Argh! Ano ba? Hindi ko naman sasabihin kung nasan ako!" Inis na sabi ko dahil hindi na ako natutuwa sa kanya.Hindi naman siya nakinig. Agad na nanlaki  ang mata ko nang tanggalan niya ng battery at sim card and phone ko 'tsaka iyon walang awang tinapakan pagkatapos ay itinapon sa bintana.

What the hell? Siraulo ba siya!?

"Gago ka ba?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at kinwelyuhan ko pa siya.

" Kung balak kong tumakas, sana kagabi ko pa ginawa. Kung hindi ka naman tanga ay baka maisip mong baka wala na ako dito sa harap mo."Galit na singhal ko sa kanya

" Don't talk to me like---"

"Fuck you! You bring me in this hell. Iyon na nga lang ang bagay na nagpapasaya sa akin ay kinuha mo pa? Bakit ba ang unfair mo?" Naiiyak na sabi ko. Nakita ko naman na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

" Don't worry, I'll buy you a new one." Napapikit naman ako sa sobrang inis bago muling nagmulat ng mata at tinaliman siya ng tingin.

"Wala ako pakiealam! Sabihin mo nga, maibabalik ba ng bagong cellphone ang mga kpop song na nasa phone ko? Arghh! I hate you." Inis na sabi ko at hindi ko na napigilan na hampasin ang dibdib niya.

ACCIDENTALLY KIDNAPPED TO BE YOURS (C.O.M.P.L.E.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon