Lie #2: Derick Lusterio

230K 3K 303
                                    

Its been a week since that incident sa loob ng dark room. May mga gabi na hindi ako makatulog kakaisip dun. Ewan ko ba, alam kong mali, alam kong kabaliwan pero ang totoo hinahanap hanap ng sistema ko yung labi niya.

Nababaliw na ata ako! Ugh to think na stranger yun tapos nagkakaganito ako. No it's not possible.

"Can we share table?" nabitin ang akma kong pagsubo nang may magsalita sa harapan ko. Si Derick. Nakangiti siya at may dalang tray. Iba't ibang pagkain ang nandun at may wine glass siya pero fruit juice ang laman.

Tinignan ko muna siya ng matagal. Sabay sa paligid namin. Lahat sila nakatingin sa gawi namin. May isang babae pa nga doon sa dulo na nakasabit yung pasta sa bibig niya.

Ganito ba talaga kasikat ang lalaking to dito? Pati katinuan ng iba kayang kaya niyang kunin


"I suppose its a yes" halos padabog niyang binagsak yung tray sa mesa at umupo. For a while natakot ako. Paano ba naman kasi magkasalubong na naman ang mga kilay niya.

Ano ba ang dapat kong sabihin? Nakakahiya. Baka kasi akalain niya na wala ako sa katinuan


"Pasensya na" bago ko pa mapigilan nasabi ko na yun. Kinagat ko pa ang labi ko at yumuko

Tinignan niya ako at ngumiti. Ipinagpatuloy ko na lang din ang pag kain. Ayokong tignan yung mga kinakain niya. Mukha kasing masasarap at halatang sosyal. Beef steak at may leche flan pang kasama. Samantalang ako mula sa de lata ang ulam.

Hindi naman sa wala na kaming makain pero yun lang ang kaya kong lutuin. Kaysa naman kasi bumili ako dito sa cafeteria namin. Napakamahal. Naalala ko nga nung first day na pumunta kami ni Annabeth dito. Sobrang nabigla kami. Sa totoo lang ang cafeteria na to makakapasa na three star restaurant. At yung nagluluto pa, professional chef. Nakilala ko yun dahil may noontime show siya dati.

Buti na lang din na pwedeng maki table dito kahit hindi ka sa kanila bumili ng pagkain. Bawal naman kasing kumain sa loob ng classroom eh. Kaya no choice na dito talaga. Kahit na nga ba nakakahiya.


"Iyan lang ang kinakain mo? Hindi kaya magutom ka mamaya?" tanong sakin ni Derick. Ibinaba niya yung kutsilyo na pinanghihiwa niya sa steak at kumuha ng sanitary napkin para ipahid sa bibig niya


"Okay lang naman ako" ganti ko at mas pinagana ang pag kain ko. Hindi na siya kumilos. Hindi ko makita ang ginagawa niya dahil nakayuko ako. Pero pakiramdam ko pinagmamasdan niya ako. Nakakailang tuloy..

Kinumpas niya ang daliri niya at maya maya may lumapit sa amin. Yung chef


"Anything, sir?"


"Another order of beef steak. Pakisamahan na din ng leche flan"

Umalis na yung chef. Tinignan ko yung plato niya. May pagka magastos ata ang taong to. Hindi niya pa nauubos ang pagkain niya nagpakuha na naman siya. Hindi ko tuloy mapigilan ang curiousity ko na tanungin siya.


"Bakit ka umorder ulit? Eh hindi mo pa nga halos nagalaw yan oh" nguso ko sa plato niya. Umismid lang siya at tumingin sa ibang direksyon.

Bumalik na yung chef. May dala siyang tray katulad nung kay Derick. Sa gulat ko hindi na ako nakapag protesta. Hinawi niya kasi ang lunchbox ko at sa harapan ko mismo inilagay yung tray.

Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon alam kong nakanganga ako. What the hell is this? Bakit niya ginawa yun?


"Eat a proper food, Manilla" untag niya sa pagka tulala ko. Pero hindi ko pa din makuhang gumalaw. Nagbubulungan na din yung mga estudyante na mukhang interesante na samin.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon