Walang nangyari. Oo certain ako na wala siyang ginawa sakin nung saturday night. Nararamdaman kong wala namang kakaiba sa katawan ko. Walang sumasakit sakin o ano mang mark sa bedsheet so one hundred and one percent sure ako na wala talaga. Though may mga times nun na nararamdaman kong hinalikan niya ako.
Kaysa kausapin siya, natulog na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang trip niya pero di ko talaga siya sinabayan. When he kissed me, I want as hell to push him away pero hindi ko magawa. He pinned me down on the bed at hawak niya magkabila ang mga kamay ko. So I have no choice but to kiss him too. Isa pa, gusto ko din naman yun. Gagawin ko na lang na excuse ang pagiging tao- vulnerable and imperfect.
Nakahinga ako ng maluwag. Paggising ko kinabukasan wala na siya pero may iniwan siyang note na nakadikit sa salamin saying "Thank you for last night. I emjoyed your lips" tinanggal ko yun agad dahil baka makita pa nila mama. I folded the paper at tinago sa drawer ko. Somewhat nakaramdam ako ng inis pagkabasa yun. Bakit feeling ko parausan niya ako?
Inaasahan ko na nung umagang yun magigising siya at magtataka but it seems like nagkamali ako. Hindi nadala ng kalasingan niya ang nangyari. Well, kung paano siya umalis sa bahay palaisipan pa din sakin. Pero hindi na siguro mahalaga yun.
"Erica" napahawak ako sa dibdib ko nang magsalita si Nico. Nag peace sign pa siya at tumawa nang makita ang gulat sa mukha ko. I narrowed my eyes on him and scowled.
"Nakakagulat ka naman! Oh bakit ba?" tanong ko sa medyo mataray na tono. Umupo siya sa desk ko at hinawakan ako sa balikat.
"Look" he pointed something at my back. Paglingon ko nakita ko si Derick at Elise na nagtatawanan. They look so happy together. Na parang walang ibang tao sa paligid nila and all they care about is they have each other.
Consciously, I licked my lips at pumikit. The way he kissed me, I wonder kung nagawa niya na yun kay Elise. I wonder if they already slept (only) on the same bed. My insides is screaming. Nagagalit ako sa hindi ko malamang dahilan. Like I want to shout "Hoy Elise! Mas marami kaming pinagsamahan!" but of course I wont.
"Simula kahapon ganyan na sila. I dont know what's gotten to him and suddenly naging fond na lang si Elise sa kanya. Guess, your plan worked after all" Nico sighed at umiling.
Paano nangyari yun kung night before yesterday ako ang kasama niya? Ano sinulit niya na yung pagkakataon na yun dahil iyun na ang huli? Did he swear on his self na pagtapos ng gabing yun aalisin niya na ako sa sistema niya?
"Ako ang sumasakit ang ulo sa inyo" Nico tapped his temples at umupo sa tabi ko.
"Great" I chided myself quietly. Washing away the jealousness. I dont get it kung bakit ganyan na ang set up nilang dalawa pero dapat akong maging masaya. It's working. For Pete's sake, it worked!
"Sunday kahapon ah. Bakit kasama mo sila?" tanong ko at bumaling na ulit ng tingin sa kanya.
"Just visiting. Tinawagan kasi ako nung.. Mangkukulam. Hindi daw umuwi si Derick nung saturday night. Do you have any idea kung saan siya pwede pumunta?"
I swallowed hard. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko pakiramdam ko nawala lahat ng dugo sa katawan ko. I can imagine my face so pale.
"Okay ka lang? Baki namumutla ka?" hinawakan ni Nico ang noo ko at magkabilang pisngi
"Hahaha. Wala parang bigla lang sumama pakiramdam ko" pagdadahilan ko na lang and swatted his hand away
"Sigurado ka ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"
Mabilis akong umiling "Hindi na. Okay lang talaga ako" then I cupped my cheeks with my both hands.
Mabuti na lang pumasok na si Sir Teaño. MAPEH teacher namin. Umalis na si Nico sa pagkakaupo sa desk ko ng tignan siya ni Sir ng masama. Nagpagpag siya pagkuwa'y umupo na sa tabi ko. Ganon din yung mga classmates namin na abala sa mga business nila. Napaupo na ng maayos at maagap na tumingin kay Sir.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...