For a while, hindi ako makagalaw. Hinihiling ko na sana bumukas na ang lupa at kainin na ako. I can't meet Elise's gaze. Nagtatanong at nagtataka ang mga mata niya. Parang anytime iiyak siya. Nagu guilty din ako. Sana guni guni ko lang yung nakikita kong nasasaktan siya. But I blinked for how many time already at wala namang nagbabago.
"Uhm, nangailangan kasi ng tulong si Erica eh sakto na papunta ako sa men's room. I heard her desperately calling for someone to help her pero wala naman siyang kasama dito so ayun, I went here dahil nag aalala ako" it was Derick. Back to his tough and relax face. Pero kanina alam kong nagulat din siya.
"Well, she has this girl problem- that's what you called it, and I bought her a napkin sa vendo at inabot sa kanya dahil hindi naman siya makalabas. Arent you satisfied?" dagdag pa niya. Dahan dahan akong nakahinga ng maluwag. Dahil sa boses ni Derick na may pagka bossy, nagmukhang totoo yung sinabi niya.
Napalitan ng concern yung mukha ni Elise. Napatingin siya sakin and this time kinaya ko nang salubungin ang tingin niya. Ayokong mag isip pa siya ng masama. Lalo't nakalusot na kami.
"Tsk, sorry. Sana nagsabi ka sakin kanina para nasamahan kita. Mabuti na lang ako ang unang nakakita sa inyo. Tara labas na tayo. Baka akalain pa nila anong ginagawa natin dito"
Sa ibang pagkakataon siguro iisipin ko na nagseselos si Elise. Syempre nga naman, nakita niya yung fiance niya na may kasama sa ladies' room, anong iisipin niya? Tsk, pero ewan ko ba. Nakokonsensya ako eh. Wala naman kaming ginawang masama ni Derick (wala nga ba?) pero pakiramdam ko may kasalanan ako sa kanya.
You kissed! Sabi pa ng utak ko.
"Let's go" hinatak ni Derick ang kamay niya at nagpatiuna sila maglakad. Nakasunod naman ako sa kanila habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay. Derick's fingers were tightly entwined to hers.
I dont want to lose him. I dont want to lose him in a way na baka dumating ang araw na hindi ko na siya makikita o makakausap. Dahil kahit naman pumayag ako sa gusto niya, kahit na sabihin kong mahal ko siya, hindi magwo work out yun. Ngayon na sinabi niya sakin na naka arranged marriage siya, napagtatagpi ko na ang mga bagay. His mom is desperate na mawala ako sa landas ng anak niya. And im not welcome to their world.
Nagtataka ang mukha ni Nico when we reached the table. Kahit hindi siya nagsasalita, alam kong sa isip niya nagtatanong siya kung ano ang nangyari. Hindi ko na lang pinansin. Bumalik ako sa sa pwesto ko. Masyado atang kinilig si Elise sa paghawak ni Derick sa kamay niya. She cant seem to notice us. Si Derick na lang ang nakikita ng mga mata niya. While him, he's smiling at her. Kaya siguro ganon na lang ang tuwa nung isa. Buong araw siyang bad vibes sa kanya then out of the blue okay na sila.
Bigla parang nawalan ako ng gana. I just want to get out of here.
"Uhm, Elise. Uuwi na ako. Biglang sumama pakiramdam ko eh. Tsaka baka hinihintay na ako samin. Hindi pa naman ako nakapagsabi na may pupuntahan ako after class" paalam ko at ngumiti sa abot ng makakaya ko. Though my lips are close to shaking. Pakiramdam ko din may malamig sa loob ko.
"Ganun ba? Oo nga eh. Namumutla ka" tumingin din si Derick sakin at kumunot ang noo. As if examining my face. Hinahanap yung putla na sinasabi ng fiancee niya. Then binaling niya sa iba yung paningin niya. Ano na ibig sabihin nito? Friendship over na ba kami?
"I think I have to go too. Kailangan kong ihatid si Erica since we're going the same way" pasok ni Nico sa usapan. And im thankful na nandito siya ngayon. Kung wala sigurong aantabay sakin malamang anytime magco collapse na lang ako. I want to get out of here! I really really want to! The sight of Elise holding Derick is unbearable!
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...