Lie #49: Done

97.5K 1.4K 129
                                    

Derick's POV

Once upon a time I was a nobody.

Sabi ni lola nun may isyu daw sa Phylisse Academy kaya lahat ng kamag anak hindi daw muna pwede mag aral dun. So pinasok muna ako ni mommy sa isang maliit na pre school. Noong una nagagalit ako dahil ang liit ng school. Pakiramdam ko pa tinitipid ako masyado gayong money is not our problem.

But then something happened in there that made me so thankful na nakapag aral ako doon..

I am a lonely child. Palagi akong mag isa at nakaupo lang sa gilid. That day nakaupo lang ako sa isang mesa at ako lang mag isa. Wala naman akong mga friends eh. I was eating my snacks nang lapitan ako nung tatlong kaklase ko na mga bully. Based on there name tags their names are Vince, Troy and Kyler.

"Hoy akin na baon mo!" said the meanest of them all na si Troy. Niyakap ko yung lunch box ko at pilit itinago yun. As if doing it will make them forget na nakita na nila ang baon ko. But anyway I am just a child so I still did it.

"Wala akong baon!" sabi ko sa nanginginig na boses at umiiyak na. Takot na takot na talaga ako nun. Hindi ako sanay na binubully ako.

"Huh, anong walang baon?! Ayan oh nakita ko! Akin na yan!" pilit nilang inagaw sakin yung lunchbox ko. Sinuntok ako sa mukha nung isa pero hindi ko pa din binibitawan. Ginawa ni lola tong sandwich na to kaya kapag hindi ko inubos sigurado na malulungkot siya.

If there is someone na nagpapakita sakin ng pagmamahal, si lola lang yun.

"Hoy!" napahinto sila ng may sumigaw. Nakita ko na may babaeng papalapit samin. Sa pagkakaalam ko classmate ko siya. Ang sabi ng name tag niya, Erica ang pangalan niya.

Paglapit niya samin sinuntok niya agad yung pinaka bully "Bakit niyo inaagaw pagkain niya? Patay gutom ka ba?!" sigaw niya dito sabay suntok ulit. Wala akong nagawa but just to widen my eyes.

"Sorry na Erica!" mangiyak ngiyak na sabi ni Troy.

"Bakit sakin ka nagso sorry?! Sa kanya ka mag sorry!" piningot pa siya ni Erica. Wala namang nagawa si Vince at Kyler.

Tinignan akong tatlo and bowed their heads "Sorry" pagkasabi nun umalis na sila.

"O ito na baon mo" inabot sakin ni Erica yung lunchbox ko pero hindi ko makuhang gumalaw. Nakatingin lang ako sa kanya. Kumpara sa mga classmates naming babae di hamak na mas matangkad siya. She's wearing a jumper at naka pigtails ang buhok niya. Wala kaming uniform dito sa school kaya okay lang kahit anong suot namin.

"Hoy bingi ka ba?!" sigaw niya sa mukha ko. Umiling lang ako at nagmadaling kinuha yung lunch box ko sa kanya

"Wag ka na umiyak ah?" and too much to my surprise hinalikan niya ako sa pisngi bago pa man ako makapag thank you.

Call me insane pero hindi ko nakalimutan yun. It's been ten years already nung mangyari yun but then pakiramdam ko kahapon lang ang lahat. In everyday of my life that scene always play back on my mind.

Nagkaroon yun ng malaking epekto sa pagkatao ko. That's why nung nasa Phylisse Academy na ako natuto akong magtanggol sa mga binubully kahit na binilinan kami ni lolo na wag mangangailam sa mga away. It made me braver na kapag may gustong umaway sakin hindi lang ako mananahimik. Because of what Erica did, natuto akong lumaban.

Naging updated din ako sa buhay niya. For the past few years pinasusubaybayan ko siya kay Eustace. I know everything about her. Everything.

One afternoon, I went to the mall kasama si Ashley. Pinakilala to sakin ni Nico and we're dating for three months already. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ba pupunta tong ginagawa namin. We've made out for how many times already but when she's initiating for more natatagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatanggi. Not a natural reaction of a guy. Kahit na inaasar niya akong bakla hindi pa din ako nagpatinag. It's just.. Ewan hindi ko din alam kung bakit ako ganito.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon