"Do you really love him?" suddenly gusto ko na lang na sana bumukas ang lupa at lamunin ako nun. Im really not comfortable to talk about my love life. Pero alam kong wala akong takas kung anim na pares ng mga mata ang nakatingin sakin ngayon at naghihintay ng isasagot ko.
"Oo naman" sagot ko just like kung ano ang tinanim ko sa isip ko. Boyfriend ko si Robie. I should love him.
"Why it seems to us that you dont?" tanong ni Sarah na nakakunot ang noo. I sighed helplessly. Kung nandito sana si Kuya Glenn ngayon alam kong pipigilan niya ang mga to na kausapin ako. But as I can see, no way.
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo. Paano ko siya magiging boyfriend kung hindi ko siya mahal?" I spit back and rolled my eyes.
"Not because two people are in a relationship, hindi ibig sabihin nun na nagmamahalan na sila. You may want to spill everything to us. Magpipinsan naman tayo eh. Nalito lang talaga kami. That scene last time nung naglalaro tayo, well that's quite interesting. At nung hinatid namin si Derick sa kanila, he said that he loves you" litanya ni Louisse at umiling. Bakas sa mukha niya na parang naguguluhan nga siya.
Gusto ko naman i share sa kanila eh. Kaso hindi lang talaga ako komportable sa idea na parang bukas na libro ang buhay ko. I just want that to be a little secret of mine. And who knows na baka makarating pa kay Robie. Knowing how talkative they are.
"Sorry. Hindi ko talaga kaya" I put an edge sa boses ko para maipahiwatig kong hindi ko talaga sasabihin. Mukha naman effective because they shrugged their shoulders at tinalikuran na ako para maghanap ng komportableng pwesto nila. Pinag gigitnaan ako sa kama ni Sarah at Sam na tinalikuran ako.
Moments later we're all drifiting to a deep sleep.
Nagising ako sa sunod sunod na katok sa pintuan ko. Just like me, nagising na din isa isa ang mga pinsan ko na halatang kulang pa ang tulog dahil makikita sa mga mukha nila ang pagkairita dahil sa biglaang pag gising.
"Girls, open up" sabi ni Kuya Michael sa malaking boses at mas nilakasan ang katok. I cant take it anymore dahil mukhang mababasag ang eardrums ko kaya ako na ang bumangon at nagbukas ng pintuan.
"Tanghali na, bakit tulog pa kayo?" tanong samin ni Kuya sa medyo malakas na boses. Bigla tuloy nawala ang antok ko. Sa itsura niya ngayon para siyang sundalo. Naka diretso ang posture at naka cross arms. Sabay naalala ko na core commander nga pala siya sa CAT nung highschool kaya medyo may pagka disciplinarian. Katulad na lang ngayon.
"Mag aalmusal na. Within one dapat nasa baba na kayo" tumalikod na siya at lumabas ulit. Nagmadali naman sa pag aayos yung mga pinsan ko. Basta na lang nilang sinuklay yung buhok nila gamit ang daliri, yung iba nagsuot ng bra, ako nag ponytail lang. Paglabas ko naririnig ko si Kuya Michael na nagbibilang.
"Grabe naman si kuya alas otso pa lang pala!" reklamo ni Sam at nagpatiuna sa pagbaba. Mabuti na lang at bago matapos magbilang si kuya nasa mesa na kami lahat at nakaupo. Kahit hindi ko alam ang mangyayari if ever na hindi kami nakapwesto within one minute, nakisama na lang ako. Since hindi naman kami kasya dito sa dining, nauna na daw sila kumain kanina. Nasa labas yung iba pang lalaki at nags stretching.
"Kumain na kayo at may pupuntahan tayo" pumwesto si Kuya Michael sa likuran ko para makita siya ng lahat.
"Saan pupunta? Ang aga pa, kuya!" reklamo ni Sarah. Siniko siya ni Louisse sa sikmura at sinabihan ito na manahimik. Hindi ako makapaniwala na istrikto si Kuya Michael. Na lahat ng pinsan kong babae takot sa kanya. Kungsabagay, si Nathan nga na gusto matulog sa kwarto ko kagabi, hindi nakatulog dahil hindi siya pinayagan ni kuya. Lalaki pa din daw siya at dapat mga lalaki ang kasama niya pagtulog.
"Are you kidding me?" tanong ni kuya kay Sarah. Magkapatid sila but I can see na kahit babae si Sarah hindi pa din siya papalag kay kuya. Commonly ang mga kuya sweet sa kapatid na babae pero parang sila naman hindi.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Novela Juvenil[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...