Lie #6: Pocky Game, it's a shame

166K 2.3K 86
                                    


Niyakap ko ang sarili ko dahil sa bumabalot na lamig sa katawan ko. Halos manigas na ako. Kung bakit ba kasi pinagsuot ako ni mama ng sleeveless na dress. Ayan tuloy hindi ako masyadong makapag enjoy


"Erica nilalamig ka ba?" tanong sakin ni Robie. Nabitin pa ang akma niyang pagsubo. Nagpunta kami sa isang restaurant na malapit sa school para mag dinner. Ito ang dahilan kaya siya nagpunta samin. Para yayain ako. Hindi ko alam kung bakit pero nagpaunlak na lang ako. Nakakahiya naman. Tsaka isa pa hindi na ako makakatanggi dahil si mama ang pumayag para sa kin. Wag lang daw akong magpapagabi ng husto.


"Uhm.. Medyo.." mahinang sagot ko at sinubukan na sumubo ulit. Hindi ko alam ang logic kung bakit ganoon kalamig dito. Oo alam ko naman na mamahaling resto to pero madali din lumamig yung mga pagkain.

Tumayo siya at hinubad yung leather jacket niya. Ipinatong niya yun sa magkabilang balikat ko. Sa ibang pagkakataon siguro tatanggi ako pero lamig na lamig talaga ako. Hindi ko kayang magpanggap na bato.


"Salamat" sabi ko na may ngiti. Sa totoo lang natutuwa ako. Napaka gentleman niya. Siya ang nagbubukas ng pinto para sakin, naglalagay ng drink sa baso ko at naglalagay ng pagkain sa plato ko. Para tuloy tong date. Pero kasi ang sabi niya lang kanina "Eat with me" kaya alam kong hindi ito espesyal


"Si Tita Gayle naman kasi kung bakit ka pa pinag dress. Pwede ka naman mag shirt at jeans. I wont mind at all"


"Yun din naman ang gusto ko kanina eh. Kaso sinaway ako ni mama kaya nahiya ako" kanina pag uwi mga kalahating oras pa bago kami makaalis dahil nag ayos pa ako. Magpa pants talaga ako pero napasukan ako ni mama at sinita ako. Nilagyan niya pa nga ako ng light make up.


"Maasikaso talaga si tita noh? Nakakainggit sana may ganyan akong mommy" yumuko siya at tumawa habang umiiling. Mataman lang akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin kaya pinilit ko na lang kumain. Nagustuhan ko yung garlic bread na maya't maya sineserve samin. Unlimited kasi yun as long as kumain pa kayo.


"You know what Erica, I like you" hindi ko itinago ang pagkagulat sa sinabi niya. Napataas din ang kilay ko sa pagka mangha


"You like me?" ulit ko pa. Baka kasi nabingi lang ako


"Oo. Kasi kakaiba ka. Alam mo bang first time ko to? Yung maging komportable sa kausap. Kasi hindi ka katulad ng iba na siguradong magtatanong once na may na open akong topic tungkol sa personal kong buhay. Ikaw, tumatahimik lang"

Medyo napasimangot ako. Na misinterpret ko yung sinabi niyang gusto niya ako. Iba kasi ang inaasahan ko na sasabihin niya. Yung tipong gusto niya ako bilang girlfriend o babae. Pero yung pagiging tahimik ko pala ang tinutukoy niya. Kungsabagay, hindi dapat ako nag iilusyon na magustuhan niya. Magkaiba kami. Hindi nga kami mahirap pero masyado naman akong common para sa kanya.


"Minsan hindi mo kailangan ng kausap. Kailangan mo lang ng taong makikinig" tumango siya tanda ng pag sang ayon sakin.

Inabot ko yung basong may laman ma fruit juice at sumipsip doon. Iginala ko ang mata ko. Napakaganda talaga dito kahit na may kamahalan ang mga pagkain. Siguro isang araw kung mayaman na ako babalik ako dito at kakainin lahat ng gusto ko kasama sila mama.

Bigla naman bumukas ang pintuan. Sa lakas ng pagkakabukas nung papasok halos matanggal yung chime na nakasabit sa itaas ng pinto sanhi para doon matuon ang atensyon ng karamihan sa mga customer. May pumasok na lalaki at may kaakbay na dalawang babae sa magkabilang balikat. Si Derick. Tumatawa yung mga kasama niya dahil siguro nag joke siya o ano.

Halos masamid ako kaya ibinaba ko na yung iniinom ko. Sabi sakin ni Nico alam ni Derick ang pakiradam ng hindi pinapahalagahan at minamahal. Pero ano tong ginagawa niya? Dalawa at the same time? Wow


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon