Purposely holding your feelings back because you know it's for the best. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito pala kahirap. Akala ko kapag sinagot ko si Robie at ipakita sa kanila na masaya ako eh okay na ang lahat. In the end of the day, palagi pa din may kulang.
And I dont know if I am able to find that missing part.
"Anak" napatango ako nang magsalita si papa. Medyo natawa pa ako nang makita ko yung itsura niya. May mga puti puti sa mukha niya dahil doon sa polboron. Ako naman ang nagbabalot at nilalagay sa box.
"Bakit po?" tanong ko
"Nagpunta si Derick dito kaninang umaga nung tulog ka pa" nabitin ang akma kong pag ikot nung dulo ng cellophane at nagtatakang tinignan si papa. Kanina pa kami nagtatrabaho dito pero ngayon niya lang binanggit.
"Ugh, anong napag usapan niyo?" hindi ko alam kung ano yung binadya ng tono ko pero parang kinakabahan ako na natutuwa dahil nagpunta siya dito. Pero hindi ko ipinahalata yun.
"Humingi siya ng sorry sakin. Yung sa ginawa ng mommy niya samin ng mama mo"
I just raised my brow. Not that I dont appreciate it, kaya lang bakit siya ang humihingi ng tawad sa kasalanan na hindi niya ginawa? But then, knowing his mom? Kahit magunaw na siguro ang mundo, hinding hindi yun hihingi ng tawad. Nakakainis lang na si Derick ang gumawa ng part na yun.
"Alam mo minsan, hindi ko mapigilan maisip kung anak ba talaga ng magulang niya si Derick" umupo si papa sa harapan ko at tumulong na sakin. Maingat niyang nilagay yung polboron sa cellophane at ginaya ang ginagawa ko. Two thousand pieces ang dapat namin gawin and thankfully natapos naman na namin.
"Bakit mo naman naisip yun?" tanong ko. Unusual na maisip ni papa ang ganitong kalokohan. Of course, it's absurd kung ampon lang si Derick. Pero kung ganito na may naiisip si papa out of the blue, malamang may kakaiba siyang napapansin.
"Yung pag uugali niya kasi malayong malayo sa magulang niya. Napapansin ko minsan na may pagka arogante nga siya pero mabait pa din. At hindi ba nakakapagtaka na wala siyang kamukha?"
Napansin ko din yun nun nung unang punta ko sa bahay ng mga Lusterio. Nung nakita ko yung family portrait nila kung saan katabi ni Derick ang mga magulang niya. At kung tama ang pagkakaalala ko, yun din ang unang naisip ko. Wala siyang kamukha.
"Pero imposible yun. Dahil nung oras na ipinapanganak ka doon sa maid headquarters, nanganak din nun si ma'am Angela. Isa pa, nagbuntis naman talaga siya nun"
"Sino ba yung nagpaanak kay mama nun? Doktor ba?"
"Hindi eh. Si Dehlia, yung nagpaanak sa mama mo. Wala na siya sa mga Lusterio ngayon. Alam mo ba ang daming nakakapagtakang pangyayari nung ipinanganak kayo ni Derick? Si ma'am Angela biglang bumait, binigyan niya kami ng pera para makapagsimula daw tapos si Dehlia dali daling umalis daw nun pagkaalis natin. Sinabi lang samin yun ng mama nung pumunta tayo nun sa mansyon"
"Huh? Eh bakit naman daw?" nakakapagtaka nga. Lalo na yung part na biglang bumait yung mangkukulam. Just cant imagine it though.
"Hindi din daw nila alam eh. Ang teorya nila baka daw napagalitan ng husto ni ma'am Angela kasi silang dalawa daw ang huling magkausap"
Nagkwentuhan pa kami ni papa. Hindi naman pala nagtagal si Derick dito kanina. Ibinalik niya lang din yung damit ni papa na sinuot niya nung natulog siya dito. Hindi naman niya ata ako hinanap dahil wala naman nabanggit si papa. Well, that's better dahil kahit paano lulubayan niya na ako..
Medyo hapon na nung matapos kami sa pag aayos nung mga order. Gusto ko sana kumain dahil hindi pa ako nagtatanghalian pero napagod ako. So instead, humiga na lang ako sa sofa at tinakpan yung mukha ko ng unan.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...