Hindi ko maalis ang tingin ko kay mama habang inaayusan ako. Kanina pa kasi siya nakangiti. Halos hindi ko nga maramdaman yung kamay niya sa sobrang gaan. Nilalagyan niya na ako ng lipstick and I can barely feel the brush na ginagamit niya.
"Kinakabahan ka ba?" pinagsalubong ko ang mga kilay ko as a respond na hindi. Pero ang totoo, hindi ako mapalagay.
Kanina ko pa iniisip kung ano ang gagawin ko kapag nandun na ako. Saan ako pupunta? Kaninong mesa ako makikiupo? Surely, maraming mayayaman din na nandun. Paano kung hindi ko sila kaya pakibagayan?
Huminto na si mama at inabutan ako ng bilog na salamin. Tinignan ko ang itsura ko. For a while hindi ko nakilala ang sarili ko. Simple lang naman ang make up ko pero parang ang laki ng pinagbago ng itsura ko. O baka dahil kahit kailan hindi lang talaga ako nasanay sa paglalagay ng make up sa mukha?
Nakataas ang buhok ko na mahigpit na naka ponytail. Kagaya ng itsura ko nung lumabas kaming apat nun nila Robie, Elise at Derick. Medyo may kalaliman yung neckline but in a decent way. Sinuot ko din yung locket na binigay sakin ni Derick.
Gently, I touched it and trace the shape with my fingers. Sa hindi ko malaman na dahilan napangiti na naman ako. Somehow, pakiramdam ko ang bagay na to ang nag uugnay samin dalawa.
That this is his symbol of love for me.
"Naalala ko nung humingi siya samin ng papa mo ng picture. Nung una akala ko humingi siya para sa kanya pero dyan niya pala ilalagay" komento ni mama na nakatingin din dito sa locket.
"Bakit hindi ko ata nakita tong picture na to? Parang wala sa photo album" usisa ko na medyo nalilito. Noong bata ako halos araw araw kung buklatin ko yung mga photo album namin kaya sigurado ako na wala talaga ang picture nila na to.
"Special samin ng papa mo ang picture na yan. Sa iba ko tinago yan. Kuha yan nung bago kami ikasal"
"Special pala pero bakit niyo binigay sa kanya?" nagtatakang tanong ko. Hindi kami mayaman, wala kaming mga mamahaling pag aari, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ipamimigay pa nila to sa iba kung ganon na mahalaga pala.
Nagkibit balikat si mama at umiling "Hindi naman na ibang tao satin si Derick, anak. Kung gaano kasama ang nanay niya, yun naman ang kinabait niya. Hindi ko alam kung kanino nagmana ang batang yun. Hindi din naman ganun kabait ang tatay niya"
Kung sasabihin ko kay mama yung marahas na paghalik sakin nun ni Derick magbabago kaya ang pagtingin niya dito? Ewan ko ba, bigla akong nakaramdam ng kaunting selos kapag pinupuri nila si Derick. Na tuwang tuwa talaga sila sa taong yun to the extent na nakatulog na nga dito sa bahay namin despite na lalaki siya.
Minsan nga naisip ko na paano kung magkapalit kami ni Derick ng magulang. But I always dismiss those thoughts. Mas gugustuhin ko pa maging ulila kaysa maging nanay ang nanay niya.
"Baka naman sa lolo niya" sagot ko sa huling sinabi ni mama at tumayo na para iligpit yung mga ginamit niya sa pag aayos sakin.
"Hmm hindi ko alam. Pero anak, si Don Manuel din naman may pagka matapobre. Bumait na lang yun nung nagbuntis na si Angela" kumunot ang noo ko at napahinto para harapin si mama
"Anong ibig mong sabihin? Pamilya talaga sila ng masasama ang ugali?"
Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla akong nainis at the same time naaawa kay Derick. Hindi din pala talaga siya masisisi sa ilang moments ng pagiging rude at arogante niya. It runs in their blood.
"Medyo ganun na nga. Wag mo na lang sabihin kay Derick ah? Wag ka na makigulo sa pamilya nila. Kahit paano naman pamilya niya pa din yun. Hindi din naman siya pababayaan ng magulang niya"
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...
![The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]](https://img.wattpad.com/cover/14829446-64-k787911.jpg)