Lie #30: Blend in

114K 1.6K 128
                                    

Since sobrang namiss namin ni kuya ang isa't isa, we shared the same room. Nung una nainis pa si papa dahil matatanda na daw kami, at hindi na maganda tignan na magkasama kami sa kwarto. Pero tumawa lang kami ni kuya. Sa totoo lang hindi naman kami natulog. Nagkwentuhan lang kami ng tungkol sa trabaho niya sa States. Nag suggest pa nga siya na bakit daw hindi ko itry mag apply ng scholarship dun since magaganda naman ang grades ko.

Kahit kailan hindi ko naman naisip na mag aral sa abroad. Considering ang financial status namin. Pero karamihan naman daw ng nag aapply sa scholarship libre ang plane ticket papunta dun at lahat ng expenses. May monthly allowance pa at sila ang magpoprovide mismo ng titirhan mo.

Sabi ko na lang kay kuya na pag iisipan ko ng mabuti. Napag usapan din naman si Ate Andeng. Kaya pala ayaw nito ipaalam sa iba yung relasyon nila dahil mahigpit ang magulang nito. Imagine, nasa tamang edad na si ate pero pinaghihigpitan pa din.

Hindi ko sinabi yung text ni Derick sakin. But somewhat in between sa pagkukwento ni kuya bigla na lang akong matutulala at iisipin yun.

"Gusto kong panoorin tong Frozen pero nags skip yung CD. Pwede ko bang ipapalit?" tanong ni kuya

"Oo ang alam ko pwede" sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain nung ice cream na binili niya sa 7eleven kanina.

Since wala kaming magawa, manonood na lang kami. Katext ko din si Robie. Sabi niya pupunta siya dito mamaya. Nasabi ko din kasi na nandito yung pinsan ko. Gusto niya daw makilala so ayun pupunta siya.

"Ito na nga lang Ninja Turtles" sinalpak ni kuya yung DVD at umupo na sa tabi ko. Muntik niya pa maupuan yung cellphone ko mabuti na lang at nahawakan ko kaagad.

"Gusto mo ba ng bagong phone?"

"Hindi naman po" nakatingin si kuya sa cellphone ko at nakakunot ang noo.

"We can buy now kung gusto mo. Iphone 4S" napatingin ako sa kanya with surprise. Ine expect ko na binibiro niya lang ako pero seryoso talaga siya

"Grabe kuya ang mahal nun" sabi ko. Sa pagkakaalam ko sixteen thousand pesos ang halaga nun. Hindi ako magsasayang ng ganun kalaking halaga- kahit na uso pa yan, para lang sa cellphone. At kung ganun na high end ang cellphone ko madadagdagan na naman ang alalahanin ko dahil kailangan ko yun ingatan ng mabuti. Kaya wag na lang.

"No worries. Madaming pera si kuya. At alam mo naman na kapatid ang turing ko sayo di ba?" only child si kuya at nung bata pa kami, malimit siyang humingi ng kapatid pero hindi naman natupad. Kaya siguro sobrang naging malapit kaming dalawa.

"Kahit na kuya. Ie encash ko na lang" I joke which I half meant. She ruffled my hair at tinuon na ang atensyon niya sa panonood.

Nagvibrate ang phone ko, sign na may nagtext. Si Robie. He said that within an hour nandito na siya.

"Pupunta boyfriend ko dito, kuya" tingnan niya lang ako saglit at binalik ang atensyon sa TV

"Good. Maghanda siya kamo dahil gigisahin ko siya sa mainit na mantika"

"Kuya!"

"Joke lang. Just gonna barrage him with questions"

"Will you be nice to him?" seryosong tanong ko

"It's a boys thing! Dont worry makakauwi naman ng buhay yun" nag relax na ako at nireplyan si Robie na okay lang. Hindi naman siya siguro sasaktan ni kuya. Ico consider niya din siguro ang mararamdaman ko.

Pinaglutuan kami ni mama ng buttered pop corn para daw may makain kami habang nanonood. Kung ganito kami araw araw lalo na ngayon na magbabakasyon, feeling ko pagbalik next year tataba ako. Cant imagine my life just piggin out everyday.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon