Nightmare was my friend. In the middle of the night bigla na lang akong nagising. With cold sweat all over my face and my heavy breathing. It doesn't just stop. I already woke up four times tonight. And this time hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang ipikit ulit ang mga mata ko.
My nightmare was about wild animals. May tatlong malalaking aso ang humahabol sakin. I ran as fast as I can pero hindi ko alam kung bakit palagay ko paikot ikot lang ako. And the scary part of it is, nadapa ako at sumubsob. They got closer to me at nang tignan ko sila sa mga mata, my heart dropped.
I saw three familiar eyes. Derick, yung mommy niya at yung daddy niya. Hindi ko alam kung bakit sila ang nakikita ko sa mga asong yun but I just cant stop thinking it was them. Lalo na si Derick. Not in this life na makakalimutan ko ang mga mata niya. Nag aagaw ang diwa ko. Alam kong aware ako na ginagalaw ko na yung hinlalaki ko sa paa para magising but it's useless. They drew closer and closer to me. I can hear their deep growl.
Siguro nagpa panic na ang katawan ko. Salamat at natabig ko yung lampshade ko sa gilid causing na magising ako.
"Erica" si papa at kumakatok
"Bukas yan, Pa." I said calmly though hinahabol ko pa din yung hininga ko. How can I start up a day ahead kung pati pagtulog ko pinagod ako?
He entered. Napakunot pa ang noo niya nang makita ang ayos ko. Im breathing hoarsely now dahil pakiramdam ko anytime mapapatid ang hininga ko. I have to let this out.
"Anong problema at sumisigaw ka? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong niya after a while. If there is really something kay papa na gustong gusto ko, yun ang pagiging maaalalahanin niya. At hindi ka niya pine pressure na sumagot sa mga tanong niya hangga't di ka pa okay.
"Binangungot ako" I honestly answered and wiped the beads of sweat on my face, using the sleeve of my shirt. Breathe in.. Breathe out..
"Gusto mo ba ikuha kita ng tubig?"
"Oo sana, Pa. Salamat" then he turned his back at lumabas ulit.
Hindi ko alam ang ibig sabihin ng bangungot na yun. But one thing's for sure. It freaked the hell out of me. Sigurado ako na aso agad ang tingin ko kay Derick once na magkita kami ulit.
Kung magkikita.
"Uminom ka" nakabalik na si papa at binigay sakin yung baso. Ini straight ko ng inom yun. Didnt even bother to breathe.
Umupo si papa sa edge ng kama at tinapik ang likod ko. Kinuha niya din yung baso at nilagay sa side table. Pinulot niya din sa sahig yung lampshade. Thank odds at gumagana pa naman.
"Anong nangyayari sa bangungot mo?" he asked
Then I told him everything. Kahit yung paggising ko ng apat na beses. Nakapag susubukan kong matulog ulit, nagtutuloy tuloy yung bangungot.
"Matulog ka na. Dito lang si papa. Ikaw ang bida sa bangungot mo kaya hindi ka nila masasaktan" he patted my shoulders at pinahiga ulit ako sa kama. Hinatak ko yung kumot hanggang kalahati na lang ng mukha ko ang nakikita.
Kung ako ang papipiliin, ayoko na muna sana pumasok dahil wala pa ako gaanong tulog. The nightmare was gone but the thought of it made me stayed up all night long. Pero madami na akong absent. At paparating na din ang third mastery test namin. Then after that, christmas break na. Kaya sandaling pagtitiis na lang.
"Erica!" napahawak pa ako a dibdib ko ng may bigla na lang tumawag sakin. Muntik pa akong masubsob sa batuhan. Pupunta na lang ako ng classroom namin maa aksidente pa ako.
Nakita ko si Elise na kumakaway habang tumatakbo palapit sakin. Sobrang lawak ang ngiti niya. Hindi ko alam kung paano ako magre react pero nakuha ko naman kumaway at ngumiti din.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...
![The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]](https://img.wattpad.com/cover/14829446-64-k787911.jpg)