Lie #25: Tattoo

106K 1.6K 106
                                        

Saka ko na lang iisipin yung consequences nung ginawa ko. I'll cross that bridge when I get there, pero sa ngayon paninindigan ko na muna.

Pinakilala ko si Robie kayla papa bilang boyfriend ko. Alam kong nagulat sila lalo na si mama, pero ginawa ko yun para maging makatotohanan. Tahimik lang si papa. Sa totoo lang natatakot ako sa pwede niyang maging reaksyon dahil sobrang pormal niya lang kay Robie. Si mama kahit tumatawa alam kong deep inside may something sa kanya. Of course, mga magulang ko sila kaya tingin pa lang nila alam ko na ang ibig sabihin.

"I love you" bulong sakin ni Robie. Hawak hawak niya yung isang kamay ko habang nakaupo kami sa sofa namin. Magkausap si mama at papa sa kusina at sabi nila iwan muna namin sila. Sa ngayon okay naman ang kondisyon ni mama. Katulad pa din ng dati though malimit pa din ang pagsakit ng ulo niya. May mga iniinom na siyang gamot and so far maganda naman ang pakiramdam niya.

"I love you too" sagot ko sa maliit na boses at matamlay na ngumiti. Hindi ko alam kung paano gagalaw. Wala pa naman na si Nico. Kanina nag usap sila para pasalamatan siya ni Robie. Then after that, umalis na siya.

"Is there anything wrong? Bakit matamlay yung i love you mo?" tanong niya na naka pout. This time napangiti na talaga ako ng totoo. Yung mukha niya kasi parang bata na naagawan ng laruan.

"Napagod lang ako" pagdadahilan ko na medyo totoo naman. Yung pagkanta ko kanina feeling ko na drain ang energy ko. Tapos nung pinaalam niya pa sa buong team ayun tuwang tuwa sila at nakipag kulitan sakin. Nahampas ko pa nga yung team mate niya na si Anden sa likod kanina.

Umakbay siya sakin at hinilig yung ulo ko sa balikat niya. From now on I have to remind myself na boyfriend ko ang lalaking to. Tandaan mo, Erica ah? Boyfriend. As in yung lalaki na legal kang yakapin at halikan kahit kailan niya gusto. At yung lalaking sasabihin mo ng I love you sa mga angkop na pagkakataon.

"You just made me the happiest man alive. Even though Im holding you like this, pakiramdam ko nananaginip pa din ako. And im scared na baka pag binitawan kita, you'll just vanish"

Hindi ko alam ang isasagot. Ano ba dapat ang maging reaksyon ko? Dapat ba akong kiligin? Uh I really dont know. Ang pagkaka alam ko kasi, ang kilig dapat involuntary na mararamdaman. Kahit hindi pa ako naiinlove before, naranasan ko naman na ang kiligin. The leaping of your heart and the burning cheeks.

"Erica, anak" automatic na naghiwalay kami nang magsalita si papa.

"Sir"

"Umiinom ka ba?" tanong sa kanya ni papa na medyo kinabigla ko pa

"Uhm, opo" sagot naman ni Robie na parang nagda dalawang isip pa.

"Anak, kunin mo yung alak ko doon sa ref. Kumuha ka din ng dalawang baso at yelo. Ngayon na"

Nagkatinginan kami ni Robie. Completely confused. Ano kaya ang gusto mangyari ni papa na out of the blue gusto niya na makipag inuman? Kinakabahan ako.

"Ano pa hinihintay mo? Dalian mo na" and for a split moment tumango si Robie and muttered na okay lang. So naglakad na ako papunta ng kusina para kunin yung sinabi ni papa. Siguro magtatanong lang siya ng mga bagay bagay kay Robie. Ganun naman ang mga lalaki di ba? At kadalasan kapag nagkukwentuhan sila, may kasamang alak.

Mula dito sa sink naririnig kong nagsasalita si papa but I cant make out the words. Binilisan ko na lang ang paglagay ng ice cube sa bucket at dinala na yun sa sala. Magkatapat sila sa sofa at napahinto nang makita ako. Inilapag ko yung mga dala ko sa center table at umupo two meters away kay Robie.

"Anong ginagawa mo? This conversation is exclusively for boys only" sabi ni papa sa matigas na ingles. Sa ibang pagkakataon siguro tatawa ako dahil sobrang bihira niya magsalita ng english.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon