Nung third year high school ako, may mini film na pinapanood samin yung teacher ko sa values. The story was about a father and his son. Nagtatrabaho yung tatay sa isang train station and one day, kasama niya yung anak niya. Due to some wrong turns an accident is about to happen. Kailangan pumili ng tatay kung sino ang isa save niya. Kung yung anak niya o yung singkwenta mahigit na tao sa loob ng train.
Hindi niya kilala yung mga tao na nasa loob ng train. At sa kinatatayuan niya, he can see clearly ang paghihirap ng anak niya. But he has to make a choice. Kung isasalba niya yung anak niya, madami ang mamamatay. Kung isasalba niya ang mga taong nasa train, anak niya naman ang magiging kapalit.
And in the end, ang mga tao sa train ang pinili niya. Hindi ko maintindihan ang essence ng movie clip na yun. It's a tear jerker one but I didnt know the essence. Until our teacher said, "Ang mga desisyon na gagawin natin sa buhay ay dapat makakabuti sa mas marami. Hindi para sa isang tao lang"
I stayed up all the time these past few nights to come up with a decision. I know this will hurt like hell pero ito lang ang naiisip kong paraan para tumigil na si Derick. Para matahimik na kami lahat. Even when I close my eyes, paulit ulit na nagfa flashback sa isip ko yung nangyari nung nandun kami sa abandonadong kwartong yun. On how he begged me to stay. Na gagawin niya daw ang lahat wag ko lang sabihin na pinakakawalan ko siya. The last thing I said is "Kung mahal ko ako, pakakawalan mo ako"
And the worse part of it, her mom visited me nung uwian. And as usual she threatened me na sisirain niya ang buhay ko kung hindi ko titigilan ang anak niya. She even said na kapag nabwisit siya, ilalayo niya si Derick. Pagkasabi pa lang niya nun ramdam ko na nanghina ako.
Kung alam niya lang siguro yung nararamdaman ko ngayon. Kung gaano kasakit. Gusto ko nga magalit sa sarili ko. Bakit ngayon ko lang na realize na mahal ko pala siya? Bakit ngayon ko lang na realize yung kahalagahan niya kung kailan mawawala na siya? Bakit ganun?
Nung hinalikan niya si Angeleen nun, kaya pala ako naluha dahil nagseselos ako. Kaya ako naiilang kay Elise dahil sa nangyayari sa kanila ngayon. Why in the hell im so oblivious all this time? Maybe because I've never been inlove before.
And desperate situations, comes up with desperate choices. And I never thought I am about to lose him like this.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Erica? Pinag isipan mo ba to ng mabuti?" Nico asked with irritation and slight shock. Inaasahan ko na din naman na ganito ang magiging reaksyon niya. Kahit naman ako eh, hindi ko inakala that I'll come up to this.
"Oo siguradong sigurado ako" matigas na sabi ko. He brushed his hair and chew the sides of his cheeks. Mataman lang siyang nakatingin sakin as if finding for any traces that Im kidding.
"You know the consequences of it"
"Oo alam ko naman yun eh. Ako na ang bahalang mamroblema. Just help me do it" pilit ko pa din. Oo, alam ko naman ang pwedeng kahinatnan nang gagawin ko pero desidido na talaga ako.
"Kapag nalaman ni Derick na may kinalaman ako sa gagawin mo, he'll kill me for sure. But then, kaibigan din naman kita and I just cant say no. Just promise me one thing. Never tell him na tinulungan kita. Is it clear?" seryosong sabi niya
"Oo, I promise"
Iniwan muna ako ni Nico at umakyat siya sandali sa kwarto niya. I am left alone here in their living room. Kumagat ako sa brownies na sinerve sakin nung maid nila at uminom ng kaunting juice. Supposedly matutulog lang dapat ako maghapon ngayon pero nag insist sila mama na lumabas naman ako. They even gave me money pero wala naman akong plano gamitin yun. This week has been so fuzzy na wala akong gustong gawin ngayon kung di gawin na yung plano ko.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...